Eagle Riggs, pinatalsik na sa Unang Hirit! – Ronnie Carrasco

SELECTIVE DEDMA NA sana ang aking editorial stance on an Eat Bulaga! host, si Kim Idol, a.k.a Kim Dino, kung hindi lang dahil sa mga nega feedback na naririnig ko tungkol sa kanya.

Hindi ako masyadong pamilyar kay Kim, definitely, he’s not as popular as Kim Chiu or Kim Atienza. Pero siya ‘yung tabachinang bading sa EB, a protégé of Allan K na produkto ng mga stand-up comedy bar, nabigyan ng break sa TV at isa nang celebrity kuno.

Para ma-validate ko mismo ang mga sinasabi ng viewers sa kanya, pinanood ko ang hitad. In fairness, mahusay siyang kumanta. Passable rin siya sa pagpapatawa. Pero hindi magaan ang dating, this I must confess to Ms. Malou Choa-Fagar.

Sa likod din pala ng kanyang talent lies a self-centered persona. Naging four-time champion na pala si Kim sa All Star K! noon (now Banda-oke). Sa kanyang unang panalo ay pulos pamilya raw niya ang nakinabang sa mga napanalunan niyang showcase, including ‘yung pagpapagawa niya ng bubong ng kanilang bahay.

Then came his fourth attempt in defending his title, sinabihan na raw siya ni Allan K ng: “Oy, bakla, mamahagi ka naman sa ibang tao, hindi ‘yang puro pamilya mo na lang ang binabalatuhan mo! Kasuwapangan na ‘yan, bakla! Hindi ka magtatagumpay sa buhay kung suwapang ka!” D’un na raw natauhan si Kim, napilitang i-donate ang kanyang panalo sa isang charitable institution.

SIMULA KAHAPON AY hindi na nga nag-report sa Unang Hirit si Eagle Riggs, ang paboritong host na lagi nang naa-assign in remote coverages of events ng naturang early news program ng GMA.

Effective January 15 kasi ang “pagpapatalsik” kay Eagle on the grounds na sumasailalim daw ang UH sa reformat, thus making it newsier. Siyempre, inalmahan ni Eagle ang katuwirang ‘yon: hindi pa raw ba newsy ‘yung italaga siya sa mga lugar kung saan nasalanta ang marami nating kababayan ng mga nagdaang bagyo?

Ang nakabibilib kay Eagle, until his last day, his energy hardly wavered a bit. Sa isip-isip ko, ito ba ‘yung host na mapapanood na nagbabalita pa rin with the same level of enthusiasm sa kanyang trabaho? Sa paghahanda sa pista ng Sto. Niño sa Tondo ini-assign si Eagle, that being his last day of work, yet there was barely any trace of bitterness nor rancor.

“Ang gusto pa sana ng News and Public Affairs, eh, i-extend ang stay ko until January 30 kasi raw hindi pa sila handa sa pagre-reformat. Ang sa akin, ‘Ano ‘yun?’ Prinsipyo lang naman ang ipinaglalaban ko,” himutok ni Eagle sa kanyang text message sa akin.

Oo nga naman, there’s got to be some seriousness on the part of GMA News after having served Eagle his walking papers. Para naman nilang ginagawang batang paslit ang bakla!

Inagawan nila ng lollipop, tapos, bibigyan nila ng kendi para tumahan! All I know, with Eagle’s wide gamut of talents, lollipopping in the figurative sense included, mas malawak ang kanyang mararating!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleCoco Martin, bukas pa rin sa paggawa ng sexy films! – Eddie Littlefield
Next articlePops Fernandez, madalas kabahan ‘pag nagte-text si Martin Nievera – Archie de Calma

No posts to display