Earned P1.3 billion last year: Manny Pacquiao, best paid athlete of 2010!

ANG TINDI TALAGA ni Manny Pacquiao!

Siya pala ang itinuturing na Best Paid Athlete of 2010. Ito ay ayon sa feature ng pinakabagong lalabas na issue ng ESPN The Magazine.

Nakakalula ang figure kung magkano nga ang kanyang kinita – 32 million dollars! Kung imu-multiply sa exhange rate dito sa atin na more or less ay 44 pesos kada dolyares, tumataginting na 1.376 billion pesos ang total earnings ni Manny. Ito ay sa dalawang laban niya last year kung saan tinalo niya ang mga nakasagupang sina Joshua Clottey at Antonio Margarito.

Kung isasama pa ang mga kinita ng world boxing champ sa kanyang mga endorsements, TF sa mga appearances niya on TV at kung saan pa, pati na sa mga sponsorship deals and his other extra sources of income, mas nakakalula pa nga ang suma-total.

Ganyan ka-bigtime si Manny. Dahilan para maging inspirasyon siya ng marami na nanga-ngarap ding makamit ang naabot niyang tagumpay at suwerte.

‘Yun na!

HINDI MAN SIYA ang itinanghal na grand winner sa Pilipinas Got Talent, sapat na raw para kay Alakim na maging isa sa finalist ng nasabing talent search ng ABS-CBN. Ito kasi ang nagbigay-daan sa kanyang pamamayagpag ngayon bilang pangunahing magician sa bansa.

Nagmarka sa sambayanang Pinoy ang ipinanlaban niyang magic act na may sumusulpot na mga butterfly at pagkatapos sa isang iglap lang, nawala siya sa stage at sa isang iglap ay biglang sumulpot na lang siya sa may audience. Ayaw naman niyang sabihin kung paano niya ginawa ‘yon. Trade secret daw kasi ito.

Maaaring trade secret pa niya ito sa ngayon. Pero paano kung sa mga susunod na panahon ay maibuking na rin ng Magic Gimik na show sa TV5 hosted by Kean Cipriano and Empoy ang sikreto tungkol sa act na ito.

“Mahihirapan ako kapag nangyari iyon,” may pag-aalang sabi ni Alakim.

“Malaking epekto sa aming mga magician ‘yong ibinubuking ng Magic Gimik kung paano ginagawa ang kung anu-anong magic acts. Lalo sa mga maliliit na magicians na nagsisimula pa lang. Naaawa ako sa kanila kasi iyon ang bread and butter nila para sa kanilang pamilya. Tapos tatawanan lang sila na – ay, napanood ko na ‘yan sa TV kung paano.

“Hindi maganda ang effect sa amin. Huwag naman sanang sirain ang hanap-buhay namin. Eh… as magicians, napakaliit namin para mag-react tungkol sa hindi magandang epekto sa amin ng show na ‘yon. Hindi kami papansinin ng kinauukulan. Pero sana mabuksan ang puso at isip nila na nakakaapekto sila sa local community ng mga magician. Pinaghirapan naming pag-aralan at pagpraktisan ‘yong mga magic acts namin, eh. Gaya no’ng butterfly nga, six years kong pinag-aralan iyon.”

Ang pagsali rin niya sa Pilipinas Got Talent ang naging daan para masabak din siya sa acting. It’s a big thing din daw for him na regular ngayong napapanood sa pantaseryeng Mutya para mas higit pa siyang makilala. Medyo bad daw ang character niya rito pero okey lang daw kay Alakim.

“Bagay naman sa akin ‘yong role – magician na kidnaper ng mga bata. ‘Yon nga lang, parang may epekto rin sa akin. Kasi no’ng birthday nga ng anak ni Senator Jinggoy Estrada, may isang bata na tumayo sa gitna at ang sabi sa akin – “I saw you in Mutya, you’re a bad guy!”

Ang lakas ng boses no’ng bata. Marami ang tumawa nang marinig ‘yon sinabi niya. Eh, ginamit ko na lang ‘yon para magpatawa rin.”

Under the management of Star Magic na pala si Alakim. Kaya for sure, bukod sa pagiging magician ay may siguradong career na rin nga siya bilang artista.

Biro nga niya, “How can you say the word magic from Star Magic without a magician? And… nakakatuwa lang na first time ng Star Magic na kumuha ng magician. Eh, artista at singers ang hina-handle nila.”

Nabanggit din ni Alakim, sasali raw siya sa FISM World Championship of Magic sa England next year. Dito umano nanalo si Lance Burton at iba pang internationally known magicians. And he aims to be the next champion sa competition na ito.

Kapag nagkataon, malaking karangalan din ito para sa ating bansa. Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleThe promise of the ring
Next articleEnchong Dee, cried like a child upon learning AJ Perez’ death?

No posts to display