BLESSING PARA KAY Jericho Rosales ang pagpirma niya ng kontrata sa Star Records para sa bago niyang album na tiyak na magugustuhan ng masa. Ayon kay Echo, “May mga knowledge ka na hindi puwedeng isiksik or ipilit sa mga tao but I can be artistic, artistic but friendly parang ganoon. Kung ano ‘yung mari-reach kong tao, doon ako kasi I’m really for the people. Para sa kanila itong album na gagawin ko.
“I will be collaborating with other musician, I cannot mention the names right now but it’s gonna be good, musically it’s gonna be solid, ‘yung quality niya maganda, love songs.”
Pangarap pala ni Jericho na makatrabaho si Francis Magalona. “Dream ko talagang makasama si Francis. ‘Yung nga lang he died. Actually, last last year pa roon sa concert namin, we’re trying to get him para mag-guest. Kasi kinalakihan ko ‘yun, ‘di ba? Kaso mo nga, sumalangit nawa ang kaluluwa niya. But of course, there is Gary (Valenciano), and Gabriel Valenciano. I like to work with new artists, I like to work with Sugarfree… Parokya ni Edgar. Pangarap ko silang makasama. I like to work with arranger na beterano na, I like to work with matured musician.
“May original composition, actually may naisip na kaming concept na babagay sa bago naming album. Pini-preserved namin ‘yung project, maganda ‘yung concept na naisip namin. Magkakaroon ng personal touch, we make it sure na ‘yung makaririnig sa album, ma-appreciate nila. Bago pa ako naging singer sumusulat na ako ng mga tula. My first album, all original. Some of the songs there, mga tula na ginawa naming kanta.”
Kapag zero daw ang love life may partikular song na katapat, how true? “Honestly right now, wala akong girlfriend talaga and this is the time when I can prove sa sarili ko na ‘yung mga time na may girlfriend ako mali talaga lahat ‘yun. Feeling nila kapag nag-girlfriend ako mayroon akong ginagawa na ganito, hindi ko magagawa ‘yung ganyan nagkataon lang ‘yun. In fairness naman doon sa ex-girlfriends ko, timing lang ng buhay ko talaga. But now, I can still make music kahit wala.”
May mutual understanding na ba sila ni Karylle? “No, Minsan yayayain ko siyang kumain kasama ng mga kaibigan namin. Kahit naman si Carmen, we’re friends… wala eh, I can’t .”
Nais i-project ni Echo sa music niya? “Full love songs na puwede nilang kantahin. These songs you can say, it’s masa but dekalidad na masa na maganda from A to Z ,sing along na may tagalog song. I’m really happy sa Star Records they really enjoyed sa demo naman at least, they give time naman talaga para makinig sa songs. I still have to work on those things, kailangan pa ring ipakita sa kanila ‘yung trabaho, kailangan pa rin nilang piliin. I’m still very happy, I’ll never had this kind of appreciation ever in my life, pagdating sa Genesis they back me up sa music with Tita Angeli (Panganiban). Actually may utang ako kay Ms. Annabelle Regalado Borja. Four years ago nagkausap na kami, nadamay lang siya sa pagka-rebelde ko. Sobrang ano talaga ako noon, ito ngayon open pa rin ‘yung invitation.”
Naging pasaway si Echo before, why all of a sudden biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay? “Maturity. When you are young, there are things na ayaw mong pakialaman ng mga tao. Feeling mo tama lahat ang ginagawa mo, you know, you can change the world using your two hands. This time. I’m more open, I’m more mature now, mature working with people, communicate with them, accepting idea, understanding people, putting my self in their shoes. I’m very happy talaga, because ABS-CBN supported me during the time na ang labo ko, medyo mahirap akong ka-deal, dahil may personal struggle ako, ‘di ba?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield