MAY NAKAPAGSABI SA akin na para mas mabigat ang maging parusa sa mga nag-recruit sa akin, dapat daw ay sampahan ko ng economic sabotage ang mga recuiter. Ano po ang ebidensyang kailangan para rito? —Jenny ng Valenzuela City
ANG ILLEGAL RECRUITMENT ay maituturing na economic sabotage kung ito ay: Ginawa ng isang sindikato; o
Large scale ang pamamaraan ng pagsasagawa nito.
Itinuturing na SINDIKATO ang ang nagsagawa kung ang mga akusado ay tatlo o higit pa ang bilang. Kailangan din na ang kanilang operasyon ay walang lisensiya o hindi pinahihintulutan ng batas.
Ang halimbawa nito ay kung may nagtayo ng isang ahensiya na hindi naman rehistrado o walang lisensiya at nangako ng trabaho sa abroad na peke naman. Kung tatlo o higit pa ang mga akusado o nagsagawa ng krimen, sila ay isang sindikato. Habambuhay na pagkabilango at multang P100,000.00 ang parusa rito.
Samantala, maituturing na large scale o malakihan ang illegal recruitment kung: Labag sa batas ang pagrerecruit; Walang lisensiya ang mga nag-recruit o hindi awtorisado ng DOLE ang kanilang ginawa; at Tatlo o higit pang katao ang nabiktima ng illegal recruitment.
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo