LIMA PO ka-ming nag-apply bilang caregiver sa Sweden. Matapos ka-ming singilin ng placement fee na tig-P75,000.00, walang nangyari sa mga papeles namin at hindi kami nakabiyahe. ‘Yun pala’y illegal recruiter ang nakabiktima sa amin. Ano po ang pinakamabigat na kaso na maaari naming isampa para ‘di na makapagpiyansa ang bumiktima sa amin? — Gloria ng Cebu City
MAAARI KANG magsampa ng kaso ng illegal recruitment na maaaring ituring na economic sabotage. At ito’y economic sabotage kung ang recruitment ay isinagawa ng isang sindikato o kaya’y ito ay large scale.
Isinagawa ito ng isang sindikato kung ang nagsagawa ay kinabibilangan ng tatlo o higit pang katao. Sa madaling salita, marami ang nambiktima sa inyo.
Large scale naman ito kung ang mga biktima ay tatlo o higit pa. Sa kaso ninyo, malinaw na marami kayo na naging biktima. Malinaw na ito ay large scale. Ang kailangan na lang alamin ninyo ay kung ilan ang nambiktima kung nais n’yo rin silang sampahan ng illegal recruitment na gawa ng isang sindikato.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo