HINTAYAN NG LANGIT won the Audience Award for the QCinema Fimfest last October 2018. Ito’y pinagbibidahan nina Gina Pareno at Eddie Garcia na tinanghal na Best Actor sa nasabing festival. Ang nasabing pelikula ay isang one act play ( Virgin Labfest) na ginawang full length film na dalawa lang ang character na nagsisiganap – Liza (Gina Pareno) at Manolo (Eddie Garcia). Nang isapelikula ang nasabing stageplay, nagdagdag ng characters at location si Direk Dan Villegas para magmukhang realistic ang mga scenes.
In “Hintayan Ng Langit”, Lisa has overstayed in her waiting room in purgatory. Finally, she is set to cross over and her room is to be leased to a new tenant, Manolo, who turns out to be her newly- deceased ex-boyfriend. But life – or death – takes a heartbreaking turn as Liza and Manolo get a second chance to get to know each other again and, in the process, begin to realize what it really means to be “alive” again. As Lisa and Manolo look back in retrospect and they examine the decisions they made in their lives, they can’t help but ask what if…
Will they get a second chance on love while they’re in the “Hintayan Ng Langit” ? Tinanong namin ang dalawang veterans actors at Direk Villegas kung naniniwala sila may heaven at purgatory ? Nag-agree sila may langit at impiyerno . Say ni Eddie , “ Naniniwala ako may impiyerno dito sa lupa kung marami kang kasalanan. Nasa atin na kung ang buhay natin ngayon ay gagawin nating langit o impiyerno. Nakulong ka, marami kang nagawang hindi maganda purgatory o impiyerno ang punta mo.” Dugtong naman ni Gina, “Naniniwala akong may langit at impiyerno, Depende sa ginawa mo ditto sa mundo.Pupunta ka sa heaven kapag wala kang ginawang masama sa kapwa mo.”
Dream come-true para kay Direk Dan Villegas na makatrabaho ang veteran icons like Eddie and Gina. “Noon nangangarap lang ako maging film director. Ngayon nagkaroon ako ng chance na mai-direk ang dalawang respetadong actors ng movie industry. I really never thought na makakatrabaho ko these two legends. It’s my first time to work with them in a movie. When we casting pa lang, si Tita Gina na talaga ang choice namin from the get go. And we’re happy that when we pitched the projrct to Tito Eddie he liked it and he’s in between projects so sabi niya, mag-shoot na tayo. Naka-work ko na si Gina sa TV, love hate kaming dalawa. Si Eddie may aura nakaka-intimidate …happy to work with them.”
Pinagmalaki na Direk Villegas na 11 shooting days natapos nila ang “Hintayan Ng Langit.” “They’re both such a a joy to work with. I’m now glad na right after QCinema, nakakuha agad kami ng playdate for wide release and we hope more people would watch it when it opens in theaters nationwide.”
First time nagkasama sa pelikula sina Gina at Eddie kaya ganu’n na lang ka excited ang veteran actress. Sa Sampaguita Pictures bida si Gina Pareno, ako kontrabida,” balik – tanaw ng versatile actor sa nakaraan. “Ibang klase si Eddie, napaka-professional, always on time sa set, hindi na le-late. Sobra akong na excite na makatrabaho siya at magaling pa ang director. Masarap ang pakiramdam ‘yung iba’t ibang role ang ginagampanan mo, ” papuri sabi ng veteran actress.
Hindi nababahala si Eddie Garcia kung late dumating ang kapwa niya artista sa set at paghintayin siya. Katwiran niya, “Bakit ako maiinip ? We’re paid to wait… Kapag late ang artista o hindi dumating problema ‘yun ng production at director.”
Inamin ni Direk Villegas na nakaka-pressure sa magiging reaction ng mga tao kung panonoorin ba nila ang “Hintayan Ng Langit. “Sana makabawi kami sa takilya at magustuhan nila ang movie namin, ”turan pa ng magaling na director.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield