Eddie Garcia, hindi atake sa puso ang dahilan ng pagkatumba sa taping ng bagong teleserye

Eddie Garcia

NILINAW ng isang malapit na family member ng veteran actor na si Eddie Garcia na hindi totoong severe heart attack at stroke ang dahilan kung bakit nawalan ito ng malay kahapon (June 8) ng umaga habang nagti-taping ng isang teleserye.

Ayon pa sa kanyang pahayag kaya nawalan ng malay ang award-winning actor-director dahil dahil sumubsob ang mukha nito sa lupa nang madapa habang kinukunan ang isang eksena.

Napatid ang mga paa ng aktor sa isang kable kaya nawalan ito ng balance at bigla na lang bumulagta.

Kumalat naman agad ang video ng pagkadapa ni Manoy Eddie sa social media.

Ayon pa sa malapit na kapamilya ng actor, dahil sa aksidente ay nagkaroon ng fracture ang kanyang base neck C1 at C2 vertebrae.

Ngayong umaga ng June 9 ay naglabas naman ang GMA-7 ng official statement tungkol sa video kumalat sa social media mula sa insidente.

“The video of Mr. Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collapsing has reached GMA. We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took before we make any conclusions on what really transpired.

Eddie Garcia in the shoot of ‘Rosang Agimat’

“The statement that was released earlier was given to GMA News by Nick, Mr. Eddie Garcia’s stepson.

“We will wait for the family or their doctor to issue a formal update on his condition. Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery.”

Kasalukuyang nasa ICU ng Makati Medical Center ang 90-year-old actor para obserbahan ang kalagayan. Unang dinala sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Manila si Manoy Eddie pagkatapos niyang mawalan ng malay.

 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleKathryn Bernardo, nasungkit ang kauna-unahang Best Actress award
Next articleKris Aquino, nananatiling “relevant” dahil sa digital media

No posts to display