GAGANAP ANG beteranong actor-director na si Eddie Garcia bilang isang 75-year-old gay sa Bwakaw, isang entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2012.
Ito ay mula sa script at direksiyon ni Jun Lana, na pasok sa limang maglalaban-laban sa Directors’ Showcase category, kunsaan ang mga director sa kategoryang ito ay nakagawa na ng more than three (3) films. Ang wala pang 3 movies na nagagawa ay sa New Breed category naman.
Sentimental ang role ni Mr. Eddie sa said indie film dahil isa siyang bading na tumanda na nang ganoon na wala nang kinatatakutan sa buhay dahil sa isang aso.
Usap-usapan na ngayon pa lang ang controversial role ni Mang Eddie, lalo na noong audition days ng said Pinoy indie filmfest last weekend (January 28 and 29) dahil buong ningning na naka-declare ang pangalan nito as lead actor sa Bwakaw sa mga naka-post na papel sa lobby ng MKP Hall ng CCP, kunsaan ginananap ang casting na dinaluhan ng maraming gustong mag-artista at maging part ng Cinemalaya ngayong July.
Versatile actor that he is, hindi ito ang first time na gaganap na bading sa pelikula si Mang Eddie, pero exciting pa rin dahil this time ay talagang matanda na siya, as in lolo na of 75 years old!
Aabangan natin kung may “boyfriend” pa si Mang Eddie sa kuwento ng pelikula, at kung may “kissing scene” ito sa kapwa lalaki – at ang mga heartaches na pinagdadaanan ng isang tumandang baklesh, hahaha. Kasama rin sa film ang isa pang underrated senior character actress na si Ms. Armida Siguion-Reyna na bihira mang tumanggap ng movie, eh markado naman ang role.
Kasama rin sa cast sina Soxy Topacio at Joey Paras at kasalukuyan pa ring binubuo ang casting.
SPEAKING OF indie films, buhay na buhay pa rin ito maging outside the Cinemalaya route, dahil ang major or mainstream actor like Jericho Rosales ay sumabak na rin sa pagpo-produce ng indie movie!
Yes, indie film producer na rin si Jericho, at siyempre pa’y siya rin ang bida, sa pelikulang Alagwa, na dinidirek ng indie filmmaker na si Ian Lorenos, na una naming na-encounter na nagdirek ng first indie film niyang The Leaving a couple of years ago sa Cinemalaya pa rin, kunsaan nanalong best supporting actress si LJ Reyes (with Alwyn Uytingco in the cast).
Ang Alagwa naman ni Echo ay isang movie about human trafficking. Seryoso ang tema at swak na swak sa totoong nangyayari sa ating lipunan.
Bongga si Echo na kahit na sabihing may name na as a mainstream actor ay nakapag-iisip pang mag-produce – for the first time – ng isang indie film na low-budgeted pero makabuluhan ang plot.
Kasama sa cast si Bugoy Cariño ang child star na bida ng teleseryeng E-Boy ng ABS-CBN.
After ng pre-production for the past weeks, finally ay kasalukuyan nang nagsu-shooting na ang produksiyon ng Alagwa sa isang lugar sa Congressional Ave., Quezon City.
Kapuri-puri si Echo sa kanyang hangad na makagawa ng isang makabuluhang pelikula, at hindi lang bilang isang aktor, kundi producer pa, na feeling namin ay dapat na maging magandang ehemplo ng iba pang major actors of his caliber, para habang mga bata at sikat ay makalabas sa hindi lang basta commercial films kundi maaaring mapansin rin ng mga kritiko hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa international film festivals.
Cheers to Direk Ian and Echo!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro