Edgar Allan Guzman, umaasa ng award sa Deadma Walking!

Edgar Allan Guzman in Deadma Walking

AYON kay Edgar Allan Guzman, ang  MMFF movie na Deadma Walking ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya physically dahil kailangan niyang ipitin ang maselang bahagi ng kanyang katawan para hindi ito bumukol.

“Mahirap yung mag-iipit ka ng sarili mo… kasi mahirap po talaga. Masakit kasi kung minsan, napupunta sa side,” bulalas ng award-winning actor.

Dagdag pa niya,  “Wala pong nagturo sa akin, sariling diskarte lang. Kaya namang ipitin, yung balls lang naman yung mahirap.”

“Nakatulong din sa amin yung naka-cycling kami, tapos meron kaming parang cycling pang-puwet. Maraming layers kaya nakatulong din kahit papaano.”

Pang-apat na gay role na ito ni EA sa pelikula pero ibang-iba raw ito sa mga nagawa na niya dati.

DEADMA WALKING movie poster featuring Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman

“Ito kasi all out na, eh, kumbaga, sobrang landi na. Kasi before, may loud ako, pero pigil pa rin. Dito talaga tumodo ako,” sambit pa niya.

Hindi rin itinanggi ng aktor na kahit papaano ay umaasa siya na mapapansin ang acting nilang dalawa ni Joross Gamboa sa Deadma Walking pagdating ng MMFF Gabi ng Parangal.

“Sana. Actually, noong una, ang gusto namin ay makapasok ito sa Metro Manila Filmfest pero habang sinu-shoot ’yun, hindi namin iniisip ’yung goal namin.

“So, nangyari na ’yung goal namin, nakapasok na kami, so this time, ’yung goal namin is makakuha sana kami kahit paano ng award. Para lang ma-ano rin ’yung pinaghirapan namin and at the same time, kumita ’yung pelikula.

“So, ’yon ’yung goal namin this time. Sana. Hindi kami nag-i-expect, pero gusto naming manalo ng award,” huling pahayag ni EA.

 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleGOODBYE, GMA-7 NA? Marian Rivera, lilipat na nga ba sa ABS-CBN?
Next article‘Ang Panday’, pini-predict na magna-No.1 sa 2017 Metro Manila Film Festival

No posts to display