ISA SA MGA kaabang-abang na entries sa 2011 Cinemalaya ang Ligo na U, Lapit na Me na pinagbibidahan ni Edgar Allan Guzman at nang baguhang si Mercedes Cabral. Kasama sa kategoryang New Breed full-length films na sumesentro ang kuwento sa pagkakaroon nina Edgar at Mercedes ng secret affair, pero nangakong hindi dapat sila mai-in love sa isa’t isa.
Ayon pa kay Edgar, sobrang walang kiyeme si Mercedes pagdating sa hubaran, talagang napaka-professional daw nito sa kanilang mga eksena. Dahil dito, nadala raw siya sa ilang mga maseselang eksena at ‘ika nga, tao lamang siya, nag-init daw ang kanyang katawan minsan, pero inisip lamang niya na ‘role’ lamang ang kanilang ginampanan at hindi ito katotohanan.
Abangan ang Ligo na U, Lapit na Me na prodyus nina Eric Salud, Noel Ferrer at Jerry Gracio.
ISA PANG NAKAKAINTRIGANG entry sa Cinemalaya 7 ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa na pinagbibidahan nina Rocco Nacino, Paulo Avelino at Jean Garcia. Istorya ito na tumatalakay sa mga feminist at gay concerns sa Third World context na sinasaliwan ng mga tulang nilapatan ng tugtog.
Nakakaintriga ang ka-sweetan nina Paulo at Rocco sa mga eksena, at nang tanungin namin si Rocco kung itinotodo na ba talaga niya ang paghuhubad, sagot nito, hindi pa naman, sexy lang daw. Pero ang pabitin niyang sinabi sa amin ay kung sino sa kanilang dalawa ni Paulo ang gay sa pelikula, ‘yun daw ang magandang abangan.
Mukhang nahihiyang na si Rocco sa pagpapa-seksi matapos itong mapabilang sa 10 hottest bachelors ng Cosmo Magazine noong nakaraang taon.
ISANG MENSAHE ANG natanggap namin, na nagsasabing may bago na namang Regal Baby si Mother Lily. Akala namin, isa itong baguhang artista, pero isa pala itong kawanggawa, isang initiative para tulungang mai-restore ang mga katangi-tangi at mga mahahalagang lumang pelikula ng bansa.
‘SOFIA’ o Society of Filipino Archivists for Film, is the recipient of benevolence from Regal Entertainment as Mother Lily spearheads its campaign to retrieve and restore otherwise neglected Filipino films and bring to fore the need to house this segment of our cultural heritage in a secure and healthy repositorium.
Sa June 11, 6PM ang initial fund drive nito sa CCP na sasabayan ng special screening ng Regal teenage film classic, ang Summer Love ni Elwood Perez.
WALA PA RING kapares ang Juicy, ang daily entertainment show ng TV5, sa pagbibigay ng pinaka-fresh at pinaka-latest showbiz chika.
Nagsimula noong August 8, 2008, ang show ang maituturing na nagbukas ulit ng kamalayan sa mga Pinoy sa araw-araw na pagbibigay ng nga balitang showbiz. Now on it’s third year, patuloy na sinusuportahan ng mga die hard showbiz fanatics ang show na patuloy na namayagpag sa timeslot nito sa umaga (10 to 10:30 AM).
Live ang show araw-araw kaya todo kayod ang staff na mapanatiling maganda, refreshing at masagap lahat ng bagay, ng mga eks-klusibo para sa inyo, mga Kapatid.
Komento nga ng aming nakausap mula sa ibang istasyon, “para lang kayong inipon sa tabi-tabi, nag-umpukan lang at nagkuwentuhan, pero ang hirap bitawan, dahil ang saya ng chikahan at mapapahagalpak ka sa iyong upu-an.” ‘Yun na!
Follow me on Twitter, @arnielcserato; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa [email protected].
Sure na ‘to
By Arniel Serato