NAGPAHAYAG NG pakikisimpatiya at kalungkutan si Edu Manzano sa pinagdaraanan ngayon ng pamilya Revilla.
“You know this latest chapter in their lives… very, very sad. I mean, any parent… ako marami akong pagkukulang as a father. I tried to be the best I can be. I’m sure he’s also suffering a lot. He (Bong) wanted to be with his son for his son to recover. And I’m sure at the end of the day, things will work out,” say ni Edu.
Ayon pa kay Edu, nagkausap na raw sila ni Bong at naiparating na niya ang kanyang pagdamay sa kaibigan.
“Binisita ko na siya the other day, before itong latest news na nangyari. But then, I don’t feel now it’s the right thing to do na makialam. Allow them to be together as a family.”
Nagpahayag din si Edu ng kasiyahan nang payagan ng Sandiganbayan si Bong na madalaw sa pagamutan ang anak na si Jolo Revilla.
“You know, they only request, for 3 hours nga, ‘di ba? Those 3 hours are very, very precious and they will have a great impact on moving forward and helping Jolo to recover fast.”
Samantalang nang mapag-usapan naman ang tungkol sa pagpasok ng anak niyang si Luis Manzano sa pulitika, ayon kay Edu, tila mukhang hindi na raw yata matutuloy ang pagtakbong mayor ni Luis sa Batangas.
“I think, he decided na hindi. Kasi, it’s hard also na you run for elected office and then, nakikita ka araw-araw sa telebisyon. Especially if you’re on local government, mahirap ang local government, pisikal, kailangang nandodoon ka para sa kanila,” say ni Edu.
When asked kung pabor ba siya kung sakaling tumakbo si Gov. Vilma Santos sa higher position?
“She’s entitled to do anything she wants, but also at the same time, these are very sensitive times, you know, lalo na ‘yung 2016. I think we should take our vote very seriously. Kung itutuloy ‘yung mga sabihin na nating tagumpay ng administrasyon ito or do we go back to where we were many years ago. So, ako I take my vote very seriously, and I hope the same will go for the whole of the electorate,” pahayag ni Edu.
Kung susuportahan ba niya si Ate Vi, if ever na tumakbo sa mas mataas na posisyon?
“I would like to see kung ano ang magiging plataporma niya. Gusto kong makita kung sino ang mga magiging kasama niya. That’s why I’m saying ganoon kaimportante sa akin ‘yung boto ko. I’m not saying she doesn’t deserve it, pero latagan mo ako kung ano ang vision mo at plataporma mo,” pahayag pa uli ni Edu.
Samantalang sa pagbabalik ni Edu sa ABS-CBN at sa posibilidad ng pagkakaroon niya muli ng game show, hindi raw niya nakikita na magkakaroon sila ng kompetisyon ng kanyang anak na si Luis na siyang itinuturing ngayon na Game Show King ng istasyon.
“There are game shows that call for a more mature individual or someone of greater years.”
Itinanggi ni Edu ang naglabasan na dapat sana ay silang dalawa ni Luis ang magsasama sa umeere na ngayong game show na Kapamilya Deal or No Deal. Wala raw ganoong offer sa kanya ang Dos.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo