OLA CHIKKA!! NATAWA naman ako sa mga chikkang inihatid sa akin ng aking parazzi girl tungkol sa paglipat ng istasyon ng mga dating Kapamilya stars.
Kilala ang Dos na tahanan ng mga bigating artista. Kapag tinanong mo ang mga manonood na magbigay ng pangalan ng artista mula sa ABS-CBN, tiyak na iba’t ibang pangalan ng artista ang babanggitin nila tulad ng Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Sam Milby, Gary Valenciano, Anne Curtis, Andi Eigenmann, Angel Locsin, Bea Alonzo at marami pang iba.
Hindi tulad ng sa GMA-7 na umiikot lamang sa Marian Rivera, Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Carla Abellana at iilan pa. Ito ay patunay lamang na pagdating sa pagpapasikat at pag-aalaga ng artista, nangunguna ang Dos. Kaya naman binigyan ng kulay ang pagiging Kapuso nila Cesar Montano at Edu Manzano. Kilala sila dati bilang Kapamilya stars lalo na’t pumapalo sa ratings ang mga dati nilang shows. Ngunit ayon sa aking parazzi girl, ang mga artistang tumakbo noong nakaraang eleksiyon lalo na at natalo ay hindi na makababalik bilang Kapamilya star.
Noong May 2010 ay tumakbo bilang Vice-President si Edu habang Governor naman ng Bohol si Cesar na parehas natalo. Kaya maaring ‘yun ang naging dahilan kung bakit nawala sila sa bakod ng Dos.
Ang dahilang ito ay narining ko lamang sa aking parazzi girl. Ngunit mukhang may katotohanan dahil agad naging Kapuso stars itong si Edu at Cesar, kung saan ay hindi masyadong naging maingay o magarbong pag-welcome ang pag-ober da bakod ng dalawa.
At ngayon, napapabalitang hindi maramdaman ang pagiging Kapuso ni Cesar dahil malimit lamang ang kanyang paglabas sa Siyete. May mga chikka pang kaya hindi masyadong nabibigyan ng exposure itong si Buboy eh, dahil sa kanyang ugali rin na laging late, ‘yung tipong darating after ilang hours ng call time kaya nade-delay ang taping.
Hindi kaya ang pagkatalo ng dalawa sa pulitika ay maging badya rin ng pagkatalo ng kanilang karera sa showbiz industry. Kung sa bagay, masyado pang maaga para husgahan ang paglipat ng dalawang kilalang artista at marahil, may mga sorpresa pang itinatago itong Kapuso Network.
Dahil ano mang mangyari, hindi ito magpapatalo sa Kapamilya. Baka at the end of the day ay bigkasin na lamang nila ang katagang… “Nasa amin pa rin ang huling halakhak!!!” Ha-ha-ha!!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong gay comedian na napapabalitang hindi kasali sa casting ng mga kilalang komedyante sa concert sa October dahil sa sakit na hydrocephalus?! Tama hydrocephalus, as in malaking ulo! Pero hindi ‘yung literal na inooperahan ng doctor, ha?!
Tuluyan na raw lumaki ang ulo nitong gay comedian at hindi pinayagan daw umano ng kanyang manager na makihalubilo sa mga komedyanteng kasama sa concert. Taray! Hindi ka-level!
Tinanong naming ang babaeng komedyante na bida sa concert at ang tanging sagot lamang niya ay hindi siya ang nag-o-organize, kaya hindi niya alam kung bakit hindi kasama si gay comedian.
Sagot naman ng isang taklesa gay comedian na kasama rin sa concert, malamang hindi pa nanganganib ang kanyang mga kalahi kaya hindi siya kasali… may kinalaman lang naman ito sa title ng nalalapit na concert!
Kailangan pa ba ng clue kung sino ang bida sa pitik-bulag na ito?!
Kung hindi n’yo pa rin mahulaan, alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays, 11:30-12 nn, kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. At nais ko ring batiin ang aking butihing kaibigan na si Mr. Wilson Ong at ang kanyang buong pamilya ng Century Chemical Corporation. Thank you very much and God Bless us all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding