UMIGTING NA ANG bulung-bulungan ng balitang tuloy na ang pagtakbo ni Optical Media Board Chairman Edu Manzano this week. Kaya nu’ng Sunday after mag-guest ng anak niyang si Lusi Manzano sa The Buzz, tinanong namin ang TV host/ actor kung aware ba siya na kumpirmado na ang pagtakbo ng kanyang ama bilang Senador sa 2010.
Ayon kay Luis, wala pa raw sinasabi sa kanya si Chairman Edu. Kahit na nga lumabas sa survey recently ang kanyang ama na iboboto ng bayan bilang Senador sa2010 elections.
“Basta ako kaya ko’ng sabihin na I have no idea kung tatakbo si Daddy o si Mommy (Batangas Governor Vilma Santos). Until ako ang kausapin, hindi pa siguro ako maniniwala. So far, wala pa’ng sinasabi sa akin,” pahayag ni Luis.
But if ever mag-decide naman daw ang Daddy niya to run, he will be more than willing na ikampanya si Chairman Edu at magtsi-chip-in pa raw sila ng nobya niyang si Angel Locsin sa panggastos para sa campaign.
TAMANG-TAMA NAMAN NU’NG Lunes, nakausap namin si Chairman Edu sa gallery ni Tita Cristy Fermin. Walang kumpirmasyon na sinabi si Chairman Edu tungkol sa kanyang pagtakbo sa 2010. Pero ang malinaw, magla-launch siya sa katapusan ng April ng advocacy movement niya called ‘Ako Mismo.’
“Lahat tayo we take responsibility. Maraming personalities ang involved dito but it’s non-political. Bawal ang politician. Magugulat kayo. Kasi nakakuha ako, last year pa, kaya lang medyo may kamahalan kahit sabihin na advocacy lang. We were able to put sponsors sa tulong ng isang advertising agency. Nakunan na nu’ng Linggo. Today and the whole week, kinukunan namin ‘yung mga magpa-participate sa advocacy namin.
“Walang fund-raising ito, no money involve. It’s a call-to-arms na huwag na nating laging iasa ang buhay natin sa iba. We have even members from the clergy.
“But of course, we think about running pero first of all, I’m still working with OMB,” lahad ni Chairman Edu.
Bising-busy pa rin si Chairman Edu sa OMB and in fact kahuhuli lang nila ng isang big fish na supplier ng pirated CD/DVD. And his name is Lawrence Gatchalian a.k.a Lawrence Tiu na ni-raid nila ang bahay na may mataas na bakod at pasikut-sikot ang loob ng bahay. At nakakaloka ang Mercalo bills niya, huh! Dalawang linya ng kuryente ang ginagamit niya sa bahay at parehong hindi mababa sa P140,000 ang bills sa isang buwan.
Nagpapasalamat si Chariman Edu sa tulong ng Presidential Anti-Smuggling Group Undersecretary Bebot Yusec Villar na siyang naging ka-partner ng OMB sa operasyong ginawa nila sa bahay ni Lawrence Tiu.
On a personal note, inamin ni Chairman Edu na napapag-usapan na nila ng girlfriend niyang si Pinky Webb ang tungkol sa kasal.
“Actually we thought about it. Pero doon lang muna. Parang apat ang ginagawa niyang shows. Peak ito ng career niya. ‘Tsaka bata pa,” ngiti ni Edu.
Magti-39 na sa June 11 si Pinky at magpi-56 naman si Edu on September 14. Naniniwala si Chairman na pwede pa’ng magsilang ng baby nila si Pinky.
“She’ll kuwan, e, bakit si Tina Revilla ilang taon na? 40’s na. Hindi rin problema ‘yung sinasabi na baka magka-diperensiya ang bata.
Anyway, sanay na siya sa special child. Special child ako, e,” biro pa ni Edu.
Julie Ka!
by Julie Bonifacio