HINDI RIN nakaligtas si Edu Manzano sa hamon ng mga kaibigan na sumalang din sa ice bucket challenge.
Sa taping ng Face The People kung saan isa si Edu sa tatlong host kasama sina Gelli de Belen at Tintin Bersola-Babao, sinabi ng una na sasalang din siya kasama ang mga anak na sina Andi at Enzo sa naturang challenge.
“We will accept the challenge, pero hindi puwede si Luis (Manzano) dahil busy ito kaya ang mga kapatid niya na sina Andi at Enzo na lang muna,” say ni Edu na parang hindi tumatanda.
Hindi ba siya natatakot or nangangamba sa sinasabi na back effect ng pagsalang sa naturang challenge? ‘Di ba sinabi na ilang doctor na may masamang epekto sa tao ang magpabuhos ng malamig na tubig?
“No! Sa America kasi ay pure ice ang ibinubuhos nila. Sa atin, mas maraming tubig,” say ni Edu.
When ask about, his son Luis na papasok na rin sa politics. May ibinigay ba siyang advice sa anak at ganoon din kay Batangas Governor Vilma Santos?
“Hindi naman humihingi ng advice si Vi. Ang masasabi ko lang na kung papasok ka sa politics. Dapat iwanan mo ang pag-aartista para di maging unfair sa mga taong bomoto saiyo,” say pa ni Edu.
Pero tila malabo nga raw mangyari sa anak na si Luis na iwanan ang showbiz, lalo’t ngayon na sangkatutak ang project ng anak.
“Ang maganda ay napalaki namin si Luis ng tama. Sa edad niya ay naging masinop sa buhay at lahat ng bagay na papasukin ay pinaghahandaan. ‘Di ba nang maging sila ni Angel ay pinaghandaan muna nila ang magiging buhay nila if ever na sila ay haharap na sa dambanan? Super proud ako sa aking mga anak, lalo na si Luis na marunong na sa buhay. Sa kanyang edad ay naging masinop sa buhay,” tsika pa ni Edu.
Samantalang hindi makapaniwala si Edu may mga nilalang pala na sa akala niya ay hindi nangyayari. Sa Face The People, naka-encounter nila ang isang pamilyang naninirahan sa kabundukan ng Antipolo na may 18 na mga anak.
Dahil sa mga kamangha-mangha at ikinagulat niya sa pamilya na hindi nakakakita ng mall at hindi pa nakatitikim ng fried chicken sa tanang buhay nila. Ipinasya ni Edu na dalhin ang pamilya sa mall at itira sa isang hotel. Ang 26 years old na anak, for the first time daw nakakain ng fried chicken.
Sa hotel, first time ding nakahiga sa isang malambot na kama at first time ding nakakita ng tuluy-tuloy na daloy ng tubig sa banyo. At first time ding nakakita ng telebisyon kaya hanggang umaga ay nadatnan niyang gising ang mga ito na nanonood sa TV na isang station lang ang pinanood.
Akala ni Edu, hindi nangyayari sa ating bansa ang mga ganoong pangyayari na isang pamilya na nanirahan sa bundok ng Antipolo na ang kinakain ay kamote at saluyot, na ang isang kilong bigas ay pinagkakasyas sa 20 katao sa isang araw.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo