HINDI TUMATANDA ang hitsura ni Edu Manzano. Tawag nga sa kanya ay forever young dahil walang-wala sa hitsura niya na magiging senior citizen na siya sa darating na November.
Ayon kay Edu, regular exercise, piling-piling pagkain, at matagal nang hindi kumakain ng kanin. Effective din daw sa kanya ang hindi na pagkain after 7 pm.
When asked about his lovelife, wala raw. Sa estado raw kasi niya ngayon na may mga anak ay hindi na raw magandang pag-usapan kung may girlfriend siya. Hindi raw kasi maganda sa magiging reaction at pandinig ng mga anak niya.
Okey naman daw ang sex life niya. At hindi lang masiguro ng mga nakausap niyang press kung seryoso ito nang sabihin na araw-araw ang sex life niya.
Kuntento na raw siya sa kalagayan niya ngayon at hindi na siya naghahangad na magkaroon pa muli ng karelasyon. Handa naman daw siyang tumanda na mag-isa.
Samantalang hindi naitago ni Edu ang kasiyahan nang bigyan siya muli ng serye ng ABS-CBN. Hindi nga raw siya nakatulog habang binabasa ang script ng gagampapan niyang role sa Bridges of Love na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Paulo Avelino. Nakatulog siya na hawak-hawak pa ang script.
“Ayaw ko kasing mapahiya sa pagtitiwalang ibinigay nila sa akin. Talagang hindi ako nakatulog habang binabasa ko ang script. Gusto ko, handang-handa ako pagdating ng taping. Pagdating ko ng set ay nagkaroon ng revision ng script,” nakangiting pahayag ni Edu.
Year 2006 ang huling drama series ni Edu sa ABS-CBN. Since then, napansin daw ni Edu ang maraming pagbabago dahil ‘di na uso ang mga superstar attitude. Maaga nang dumarating sa set ang mga artista na mas disiplinado na raw ngayon.
Bukod sa talent fee na ayaw namang banggitin kung magkano ang ibinayad sa kanya, ang importante raw, kaya niya tinanggap ang role ay dahil challenging ang character na gagampanan niya.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo