KUMPIRMADO, SI Edu Manzano, makikigulo na rin sa darating na May 2016 election at tatakbo sa pagka-senador. Ito ang kumpirmasyon na nakuha namin mula sa publicist ng aktor na si Ms. Salve Asis the other day nang mabasa namin ang isang online posting about Edu’s political plan on a larger scale, na may karanasan na rin naman si Edu sa paglilingkod sa mga taga-Makati, kung saan nanalo siya as vice mayor noon. As of presstime, wala pang partido na sasalihan ang aktor.
Maging ang aktor na si Richard Gomez na super busy sa kanyang taping ng bagong teleserye niya na You’re My Home para sa Kapamilya Network together with Dawn Zulueta na magsisimulang ipalabas itong October ay magra-run diumano muli sa pagka-mayor ng Ormoc City na minsan na rin niyang tinangka at nagkaroon ng problema dahil sa kanyang residency. Habang ang misis niya na si Congresswoman Lucy Torres ay ipagpapatuloy pa rin ang panglilingkod niya sa kanyang kinasasakupan.
Last Wednesday, maaga pa lang ay sinamahan na ng Megastar Sharon Cuneta ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan para sa filing nito ng kanyang CoC to run sa Senate sa partido ng mabato at baku-bakong daan na sa dulo ay malalim na bangin.
Pero ang pinakamagandang balita para sa akin ngayong linggo, habang ang mga nag-iilusyon na “makapaglingkod” sa sambayan at nagmamadaling makapag-file ng kanilang CoC sa Comelec (siyempre bukod doon sa sinusuportahan ko personaly na si Rep. Neri Colmenares of the Makabayan Coalition para sa pagka-senador), ay ang pagbubulgar ni Chito Miranda of the famous Parokya ni Edgar band na inalok siya ng 2 milyong piso ng isang presidential candidate na i-tweet siya nito sa kanyang social media account, na dahil hindi naniniwala si Chito, tinanggihan niya ang alok.
Bokya si presidential candidate na makuha si Chito in his favor na may ibang pinaniniwalaan at susuportahan.
Sa umpukan ng mga bekis the other night sa isang sikat a donut house, hinulaan namin kug sino ang B.I. (as in blind item) ng singer na gusto siyang bayaran para i-promote sa kanyang mga followers ang kanyang kandidatura.
Lima kami nagtsitsikahan over coffee at apat sa amin, iisa ang hinala kung sinong desperadong kandidato ang nag-offer kay Chito at no less than ang kadidato na sa hinala naming apat at ng mga political miron, ay ang kandidato na sunud-sunuran.
I remember one “praise” release na inilabas ng kampo ng tinutukoy namin na presidential candidate na sa write-up, lahat ng mga performers sa kanyang recent event ay libre or “labor of love” o gratis.
Pero ang katotohanan ay bayad ang ilan sa mga performers nila at sabi nga “bongga ang TF” para sa kanilang pseudo advocacy biggie event na isa lang namang palabas.
Reyted K
By RK VillaCorta