FOR THE first time ever, magsasama sa isang noontime show sina Edu Manzano at Joey de Leon bilang game makers sa Game ‘N Go ng TV5 this coming June 17. Magiging game keepers naman sina Arnell Ignacio, Gelli de Belen at Shalani Soledad-Romulo sa nasabing game show at comedy sketch show.
Kumusta naman ang tandem nina Edu at Joey as game show host? “Actually, almost forty years, pinag-uusapan nga namin ni Joey, lahat nagawa na namin except being together. For me, golden opportunity kasi few times lately magkakasama kami nag-uusap, nakita ko ‘yung lalim ni Joey. Everybody looks at him as a funny man, komedyante, minsan very critical, outspoken pero makikita mo rin ‘yung ibang aspeto ng kanyang buhay. I have a lot of admiration for Joey,” sabi ni Edu.
Palibhasa ngayon lang magkakasama sina Edu at Joey sa isang game show sa TV5 , aware kaya ang actor/TVhost na baka mapikon siya sa mga magiging biro ng magaling na komedyante ? “Honestly, inisip ko ‘yun. Minsan kasi ‘yung biruan ng mga magkakaibigan mapagpapasensiyahan mo or may balak agad kasi close kayo. But you know, you never mean to be hurtful. ‘Yung sa kanya, gusto niyang makapag-isip lang ng laughter. I don’t mind kung ako ‘yung taga-deliver at siya ‘yung taga-punchline,” diretsong sagot ni Doods.
Sinabi rin ni Edu na walang script ‘yung batuhan nila ng dialogue ni Joey sa show. “Wala at saka siya hindi. Huwag mo siyang bibigyan ng script kasi, lilihis ‘yun for sure. Depende kung ano ‘yung nararamdaman at the moment. Ako, hindi ako umaasa na susunod sa script si Joey de leon. Kahit sa ibang programa, pinapanood ko siya. Nakikita ko ‘yung relationship nilang tatlo (Tito, Vic & Joey). You know, I read his column every Sunday at well travelled siya. Laging may gusto siyang mga bagong experiences, ganoon din ako. I think, we have much to learn from each other. Aminin natin, ilang years na ako? I don’t want people to force something upon me na alam kong hindi babagay. Hindi na ako spring chicken, ‘di ba?”
Next year, it’s a election time, any political plans “No. Actually, maybe I’ll give it my best. I was very sincere, sabi nga nu’ng iba kong nakakausap. There are many ways to be able to serve or public servant. ‘Yung tinayo namin, cancer ward sa Philippine Children Medical Center. To this day, we continue to support ‘yun. For children, below the ages of eighteen na may cancer,” turan ni Edu.
If ever, offer-an si Edu to be a public servant, tatanggapin kaya muli ng actor/ TV host? “Honestly, noong tanggapin ko ‘yung OMB in 2004, tinigil ko na ‘yung pag-aartista. You know, I stop making movies, wala na akong ginawa. Ilang years ang ibinigay ko, ilang years ang sakripisyo. Six years hindi ako tumanggap ng pelikula and 2007, hindi na ako tumanggap ng teleserye,” aniya
Ngayon, matunog ang balita papasok na rin sa pulitika si Luis Manzano, susuportahan kaya ni Edu? “I told him, No! I’m strongly against it because he’s doing good money. He’s working very hard . He can also render public service in many other ways. There’s always a sacrifies. Ako, hindi ako naniniwala na gagawa ka ng pelikula or telebisyon tapos maghahandog ka rin ng public service. Madi-divide ‘yung atensiyon. The people don’t deserve it. Sakripisyo talaga, 2004, wala na akong pelikula ni isa. Hanggang ngayon I don’t accept film anymore because I want to give it by one hundred percent. I don’t believe sa sinasabing quality time. Hindi, quantity time,” pahayag niya.
Sa tingin kaya ni Edu pakikinggan siya ng anak niyang si Luis sa hindi pagpasok sa pulitika? “Marami mga nag-uudyok siyempre sa kanya. Of course, minsan nakakataba ng puso. But you know, you should allow your better judgement. But I feel, what is more important, Luis is 33 years old. He has to understand ‘yung ratification sa kanyang desisyon. Halimbawa, hindi ka naging matagumpay sa pulitika. Makakaapekto sa career mo ‘yun. You have to understand, ang taong bumuboto sa iyo buhay nila ang ibinibigay sa ‘yo. So, they deserve your unlimited time and attention.”
Marami ang naintriga sa biglang paglipat ni Doods sa TV5 dahil alam natin may game show siya sa GMA-7. Ano na nga ba ang nangyari sa kanila ng Kapuso Network? May mga pinangako kaya ang management na hindi natupad? “Hindi naman sa ipinangako, it’s just that, you know, sometimes kahit gusto mong i-expand ‘yung mga tema or ‘yung mga konsepto or ‘yung mga programa. Minsan kasi ‘yung rating, works talaga. Ayaw mo talaga minsang sumugal sa isang bagong konsepto na lalaglag kaagad. Aminin natin, it’s a business, negosyo,” paliwanag ni Edu.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield