LUMALA NA ang isyu. Sa showbiz kasi kung may intriga at tsimis, usually puputak lang at magsasagutan sa print or sa showbiz oriented talk show. Pero sa isyung ito na kinasasangkutan ni Edu Manzano versus Ronnie Ricketts, iba ang atake. May patayan na magaganap kung saka-sakali.
Sa pagkakasuspinde kay Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts na tila may galamay siya na ipinakikilos para patumbahin ang actor-host na si Edu Manzano.
Sa kanyang Twitter account, nag-post kasi si Edu kamakailan na nakakatangap siya ng “death treath” thru text sa isang hindi kilalang tao. Sa text message sa aktor, nakasulat na siya diumano ang nakaimpluwensiya kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na suspindihin si Ronnie as OMB Chairman dahil sa isang insidente na kinasaangkutan ng Sky Marketing Corporation after ng isang post-raid operaton na ayon sa imbestigasyon, hinayaan diumano ni Ronnie na i-release ang mga nakumpiskang mga pirated DVDs, at mga video recorder sa naturang raid last May 2014.
Dahil sa pangyayari, nakasuhan si Chairman Ricketts ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at ilan pang opisyal ng OMB.
Sa kanyang Twitter account, naka-post ang text message sa kanya na: “HOY MANZANO! ALAM NMEN NA IKAW NAG SBI KAY OMBUDSMAN N IPITIN AT SUSPEND SI CHAIRMAN RONNIE, MAY ARAW KA DIN GAGO! HUMANDA KA DIYAN PWERA TAKAS!”
Reply ni Edu sa pananakot sa kanya: “Matagal na akong handa. Lagi akong handa, at kayo ang hindi handa para sa akin. “Anong akala mo? Kayo ang gugulat sa akin? INAANTAY KO KAYO, GAGO!”
“Wala akong kinalaman sa suspension, sariling kalokohan at kaswapangan ninyo kaya kayo sumabit!” Mensahe ni Edu sa kanyang Twitter na ipinapaabot sa kung sino man may kagagawan ng pananakot sa kanyang buhay.
Paniwala ni Edu, mula sa kampo ni Ronnie ang text message na natangap niya. Since 2009 nang mag-resign siya as OMB Chairman wala na siya kinalaman sa naturang opisina.
Kung saan hahantong sa death threat na ito, sana hanggang death treat na lang at hindi na aabot pa sa kung saan.
Reyted K
By RK VillaCorta