GUSTONG-GUSTO nang umuwi ng Pilipinas ng Nickoledeon star at dating Star Magic Batch 15 member na si Eduard Bañez. Ilang taon na rin siyang nananatili sa USA at gusto niyang bumalik ng Pinas dahil nami-miss na niya ang showbiz dito’t gusto niyang balikan ang naiwang career.
Pero ang problema, kinuha ng ng USCIS or United States Citizenship and Immigration Services ang luma niyang green card at hinihingan siya ng requirements na kung ano-ano.
Nag-apply na nga raw siya ng refugee status at hindi pa siya nabibigyan ng appointment para ma-interview ng judge dahil kailangan daw munang ayusin niya ang problema sa USCIS.
“I am hurt waiting for my green card to be released. Besides that, I have to get my interview with the judge. When my parents, who are both American citizens, heard about this predicament, they consulted a lawyer regarding my problem with USCIS,” pahayag ni Eduard in an online interview via Facebook messenger.
“Yung green card ko, kinuha tapos tinatakan lang ako ng temporary green card. Paano ba naman ako makakauwi sa ginagawa nila sa akin na ito?” malungkot pa niyang sabi.
Every 3 months ay bumabalik daw siya sa USCIS para tatakan ang kanyang passport at ikinalulungkot niya ito dahil feeling daw niya ay nade-descriminate siya.
Isa pang hindi magandang karanasan ni Eduard sa US ay nang makuryente siya at ilang kasamahan sa pinagtatrabahuhan nilang theme park sa US.
Nagreklamo sila at pagkalipas ng ilang taon ay pinadalhan lang sila ng notice class action settlement for employees.
Matatandaang produkto ng Star Magic Batch 15 si Eduard at ka-batch niya sina Bela Padilla, Jessy Mendiola at Megan Young. Hanggang sa mapasok siya sa newscasting at nagtrabaho sa NET25. Nabigyan din siya ng chance na maging co-anchor sa isang teleradio show kasama ang singer-comedian at TV host na si Arnell Ignacio sa Radyo Singko 92.3 News FM.
Taong 2015 nang iwan ni Eduard ang gumaganda na sanang career niya sa Pilipinas para makasama ang pamilya na nasa US.
Sa ngayon, ang tanging hangad ni Eduard ay makauwi na ng Pilipinas kaya hoping siya na matapos na ang problema niya sa kanyang green card.