Eduardo Tinoso: Musikero sa kalye ng UK, may album na!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!! To the maximum authority of chikka ng inyong yours truly at talagang masasabi mong bonggacious, ‘di ba? Dahil bonggang-bongga talaga ang mga eksena ngayon ng Superstar dahil wala pa siyang isang buwan dito sa Pilipinas, mukhang hindi na yata magkasundu-sundo ang mga lagi niyang nakakasama na si Suzzete Ranillo na talaga namang bestfriend ng Superstar at si Kuya Germs naman na tatay-tatayan niya at si Lala Aunor naman na pinsan niya.

Naku mukhang hindi na nagkakasundo ang mga ito dahil sa mga upcoming shows ni Ate Guy. Pero dapat sila ang mga nagkakasundo dahil malalapit sila sa Superstar, ‘di ba? Kaya kung ako kay Ate Guy, kausapin niya isa-isa ang mga ito para walang intriga!!! Pak!

 

AT HETO NAMAN ang bagong kontrobersiyal ngayon na talaga namang maipagmamalaki ko na isang Pilipino rin na gustong sumikat at nanganagrap makilala at hindi nawalan ng pag-asa kahit masasabi mong may edad na siya, pero wala sa itsura niya at wala sa mga ginagawa niya ngayon.

Dahil kung tatanungin mo, sikat ito sa United Kingdom at bago siya ma-discover, marami na rin siyang pinagdaanan bago niya makamit ang album niya. Siya si Eduardo Tinoso na nagsimula itong kumanta sa street sa England last year while playing guitar na kung tawagin sila du’n ay buskers. At minsan, sa underground station siya, kung saan marami ang mga tao at okey rin naman ang kinikita kasi du’n sa kanila ‘pag tumutugtog ka sa street. Musikero ang dating mo at hilig niya lang ‘yun o libangan. Hindi katulad dito sa atin ‘pag kumanta ka ay namamalimos ka na.

At nagdadala siya ng mga CD du’n nilalapag lang niya, kapag nagustuhan ay nauubos daw ito at maraming bumibili. Du’n din nagsimula ang mga sikat na singer kagaya ng The Beatles at si Rod Stewart at marami ring sikat na singer du’n at ang sarap daw maging musikero du’n lalo na ‘pag dinadama mo ang musika.

Eight years na siya du’n at naging British citizen na siya, pero hindi pa rin niya inaalis sa kanya ang pagiging Pilipino, ang bansa niya, ang salita niya at ang kultura niya kahit matagal na siya roon at sumali rin siya sa mga contest doon kagaya ng X-Factor.

At nang nagkaroon siya ng pagkakataong kumanta sa isang bar, na-discover siya ng boss niya na may sariling recording company na sabi ‘we try to record your song’.

“Ayan na ang hinihintay ko, nabigyan nila ako ng pagkakataong magkaroon ng sariling album at sumikat at hindi talaga ako nawalan ng pag-asa at gusto kong i-share ang album ko. Kaya sana sa mga kababayan natin na kahit may edad kayo, ‘wag kayong mawawalan ng pag-asa kung mangarap kayo.”

At siyempre pinatugtog ko ang album niya sa programa ko at uuwi siya rito sa Pilipinas para i-share sa atin ang napakagandang talent niya. Abangan natin ‘yan. Sa mga nasasabik marinig ang album niya, p’wede naman kayong bumili trough online. I-search n’yo ito sa internet, pak! Eduardo Tinoso – Singer, Songwriter & Performer at www.eduardotinoso.co.uk. Bonggacious!

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang i-pagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articlePiolo Pascual, punumpuno ng kabutihan sa puso!
Next articleKung nabubuhay lang ang ama Lovi Poe, inaming p’wede siyang itakwil ni Fernando Poe, Jr!

No posts to display