DATI AY kasa-kasama lang si Edward Mendez ng mga actor at ibinilang na pamilya ng Belo clan. Ngayon ay isa nang hunk actor ang model at fitness instructor na isinilang sa Tate dahil busy na naman siya sa pagtanggap ng TV offer matapos ang paglabas niya sa pelikulang pinagbidahan ni Ai-Ai delas Alas noon.
Sa pagbabalik serye ni Edward, ginawa kaagad siyang kapartner ni Marvelous Alejo sa TV5 kilig primetime mini-series na Wattpad Presents: Said I Loved You.
When asked by press, kung bakit bigla siyang nawala matapos ang pelikulang pinagsamahan nila ni Ai-Ai, sabi ni Edward, nagbalik siya ng Tate at gumawa ng libro about fitness dahil ‘yun talaga ang tinapos niyang pag-aaral. Pero talagang malakas daw ang hatak at tawag ng showbiz kaya nagbalik siya ng Pinas.
Gusto na ring iklaro ni Edward na walang katotohanan na kaya siya nag-lie-low sa showbiz dahil sa intrigang isinasangkot ang pangalan niya kay Dra. Vicki Belo.
“Hindi ko alam na wala na pala sina doktora at Hayden (Kho). That time ay madalas ako sa clinic ng Belo. Hindi ko alam na inili-link na kami ni Doctora. Friend lang po ako at barkada na matatawag nila. Wala pong katotohanan na nagkaroon kami ng relasyon ni Dra Viki Belo,” paliwanag ni Edward.
Anyway, sa series, mas bata at sariwa ang kapartner niya sa katauhan ng artista academy na si Marvelous Alejo, kung saan may kissing scene sila sa serye. Kung siya ang papipiliin, mas gusto ba niya na mas older woman or younger ang makaka-kissing scene?
“Ako. Mas fresh ‘yung younger, ‘di ba?” natatawang say ni Edward.
Dahil sa naging tugon ni Edward na mas gusto niya ng younger, wala nang dahilan para ipagpilitan kung nagkaroon sila ng relasyon ni Dra. Belo, ‘di ba?
Bale ba, sagad to the max ang pagkakatukoy ni Edward sa naging halikan nila ni Marvelous sa nasabing mini-series ng TV5. ‘Di raw kasi tulad sa naging halikan nila ng unang ginawa niyang Wattpad Presents, kung saan dinaya lang daw ang kissing scene niya sa ka-partner. Kay Marvelous daw, damang-dama niya ang lips ng dalaga nang kunan ang kissing scene nila sa series na magsisimula sa June 29, Monday to Friday at 9:00 pm sa TV5.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo