OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka!
This time, hindi na po ito chikka, kung hindi tunay na kapakanan ng Laguna. Ito po ang sinabi ni Egay San Luis.
“Ang Laguna ay humaharap ngayon sa napakala-king hamon. Ang malinaw na ‘di pagkakapantay-pantay sa kabila ng paglago ng ekonomiya at ang kulang na akses sa saligang serbisyo sa kabila ng pagkakaroon ng de kalidad na edukasyon at pasilidad na pangkalusugan, at ang problemang bunga ng mabilis na urbanisasyon ang siyang dahilan kung bakit ang darating na halalan ng Mayo 13, 2013 para sa bagong Gobernador ng Laguna ay napakahalagang laban para sa kinabukasan ng Laguna.
“Ako po ay naniniwalang ang sapat at tapat na panunungkulan ay nangangahulugan ng pagbibigay ng serbisyong nasa oras. Ang inyong lingkod ay naniniwalang ang Laguna ay nasa yugto ng kanyang kasaysayan na nangangaila-ngang ibalik sa kapayapaan at kaayusan kontra krimen at humihingi ng panunumbalik sa dangal ng panunungkulan.
“Ang mga adhikaing sinimulan ng aking amang si Gob. Felicing San Luis na naging daan tungo sa maunlad na lalawigan ay aking ipagpapatuloy sa pamamagitan ng mga programang mangangalaga sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Laguna. Sa aking termino bilang isang kongresista ay pinangunahan ko ang mga programang pangkabuhayan, pangkalusugan at pang-edukasyon, kung ang inyong lingkod ay mabibigyang pagkakataon na maging ama ng Laguna ay ipagpapatuloy ko ang pag-iimplementa nito lalo’t higit para sa mga maralitang mamamayan ng lalawigan. Gaya ng nasimulan na, ipagpapatuloy ko ang rehabilitasyon ng Lawa ng Laguna upang mapakinabangan ng mga mamamayan. Patuloy rin ang aking gagawing pagsuporta sa mga sektor ng agrikultura at industriya. Paiigtingin ko rin ang seguridad ng lalawigan at pangangalaga sa kapakanan hindi lamang ng kababaihan at kabataan kundi maging ng mga kalalawigan nating may kapansanan at senior citizens. Higit sa lahat, pananatilihin ang gobyernong tapat at may pagpapahalaga sa maliliit na mamamayan.
“Ako po ang inyong si Egay San Luis ay kumakatok sa inyong puso ngayon upang maghain ng isang payak na pangarap na matamo ang tunay na kaunlarang magsisilbi sa kapakanan ng mga maliliit na mamamayan. Kung sa May 13, 2013, ako ay magkakaroon ng oportunidad na gawin ang subok na pamumuno at inobasyon sa susunod na tatlong taon bilang inyong Gobernador, makakaasa kayong muling matatamasa ang panunungkulang may dangal at malinis. Isang serbisyong nasa oras at mabilis.
Maraming salamat po!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding