SA KASALAN na mauuwi ang relasyon ng Kapamilya actor turned vice governor ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon at girlfriend nitong si Jana Roxas na dati ring nag-aartista noon.
Sa intimate dinner para sa birthday ni Jana nitong August 22 na dinaluhan ng ilang mga malalapit na kaibigan at mga kapamilya ay ginawa ni Ejay ang kanyang proposal para sa girlfriend.
“Alam kong birthday mo ngayon pero ibigay mo naman sa akin ang pagkakataong ito na ako naman ang may hihilingin. Gusto kitang makasama habang buhay. Will you marry me?” tanong ni Ejay kay Jana.
Umiiyak naman itong sinagot ni Jana ng, ”Oo!”
“In God’s perfect timing. I have had 32 birthdays in my lifetime but this so far has the best gift ever.. the gift of Forever,” emosyonal pang pahayag ni Jana.
Ibinahagi rin ni Ejay ang kanyng nag-uumapaw na kaligayan at excitement na finally ay magiging misis na niya si Jana.
Aniya, “If i asked would you say YES? Together we are the very bestI know that i am truly blessed Everyday i love you.
“Excited and looking forward sa next chapters ng buhay natin together baby. Mahal na mahal kita. Happy birthday my future wife.”
Taong 2016 nang magkakilala sina Ejay at Jana na nauwi rin agad sa isang seryosong relasyon. Wala namang binanggit ang couple kung kailan nila balak magpakasal.
Congratulations to both of you, Ejay and Jana.