KITANG-KITA KUNG kaano ka-gentleman si Ejay Falcon kahit pa nilayasan siya ng ka-loveteam sa Pasion de Amor at ka-date niyang si Ellen Adarna sa Star Magic Ball. No bad words from Ejay at ang sabi lang niya, naiintindihan niya si Ellen dahil meron din naman itong ibang mga kaibigan.
Kung ganito ka-gentleman ang lalaki at very secured sa sarili, suwerte ang babaeng liligawan at magiging girlfriend niya. Si Ellen na nga kaya ‘yon? Maging very understanding pa kaya si Ejay kapag naging sila na ng sexy star?
Maging ang isyu nga ng pagtawag ni Ellen kay Ejay ng immature ay binalewala lang ng actor. Hindi siya napikon. Ipinaliwanag lang niya kung bakit sa tingin niya ay ganu’n ang tingin sa kanya ng dalaga.
Sa huling interbyu namin kay Ejay, ayaw niya munang lagyan ng label ang relasyon nila ni Ellen. Kinikilala pa lang daw niya ang dalaga, pero masaya siya kapag kasama ito.
May pagka-promdi (probinsiyano) pa rin ang ugali ni Ejay. Hindi mapagpatol at nananatiling magalang sa babae. Sa bagay, mas okey ‘yung ganitong mga “traditional” guy kesa do’n sa mga librated.
Anyway, nasa book 2 na ang Pasion de Amor, kung saan bida rin sila Coleen Garcia, Jake Cuenca, Arci Muñoz, Wendell Ramos, at Joseph Marco.
La Boka
by Leo Bukas