ANG ASIA’S Got Talent ay ang unang regional version ng “Got Talent” na ineere sa AXN Asia. Ang Asia’s Got Talent ay isang napakalaking talent show na maaari nilang ipakita ang kanilang mga talento sa pagsasayaw, pagkanta, pagma-magic, pagpapatawa, at iba pang mga performance. Ang mga kalahok dito ay galing sa iba’t ibang bansa, mga higit na 15-21 bansa ang nako-cover ng Asia’s Got Talent at ang tatanghaling manalo ay mag-uuwi ng US $100,000 at ang opportunity na makapag-perform regularly sa Marina Bay Sands sa Singapore.
Ito ay hosted by Marc Nelson na naging host din ng Sports Unlimited at si Rovilson Fernandez na isang Editor ng Maxim Men’s Magazine dito sa ating bansa at host din ng “Ang Pinaka” sa isang TV network. Ang mga kalahok ay daraan sa mga bigating judges na sina David Foster, ang kilalang musican, songwriter, composer, at record producer ng mga sikat na artist tulad nina Christina Aguilera, Jennifer Lopez, Whitney Houston, at iba pa, at siya rin ay nanalo ng 16 Grammy Awards mula sa 47 nominations; Van Ness Wu, isang actor at singer, at ang isa sa mga F4 sa palabas na Meteor Garden na pumatok dito sa ating bansa; Anggun, isang sikat na singer from Indonesia at kilala rin sa kanyang international breakthrough noong 1997 with “Snow on the Sahara” na ni-release sa mahigit 33 countries worldwide; at si Melanie Chisholm o Melanie C., ang UK Pop Sensation at isa sa member ng sumikat na group na Spice Girls bilang Sporty Spice.
Mula sa 24 na mga nakapasok ng Semi Finals hanggang maging 9 na lang ay isa lang ang tatanghaling winner ng kauna-unahang regional talent search sa Asia’s Got Talent at talaga namang nakapa-proud dahil sa 9 na grand finalist, kung saan ang apat ay taga-Pilipinas, at ang iba naman ay galing sa Mongolia, Thailand, Singapore, China, at Japan, Pinoy ang nagwagi, ang El Gamma Penumbra. Natuwa ang mga judges ng Asia’s Got Talent sa resulta ng Public Vote dahil deserve talaga ng El Gamma Penumbra, kaya tuwang-tuwa talaga si Anggun dahil ito ang kanyang Golden Buzzer mula Audition pa lamang.
Noong May 14, 2015 ginanap ang Results Night ng Asia’s Got Talent, kung saan si Gerphil Flores naman na kapwa-Pinoy rin ay ang Top 3 at Top 2 naman ang Khusugtun na nagmula sa Mongolia.
Ang grupong El Gamma Penumbra ay taga-Tanauan, Batangas. Sumali sila sa Showtime nu’ng unang season, ngunit nabigo sila roon, at sumali naman sa Pilipinas Got Talent at umabot din sa Grand Finals, pero naging 4th place lamang. Ngayon, sa napakalaking talent search, kung saan ang mga kalahok ay galing sa iba’t ibang bansa, ang El Gamma Penumbra ay hindi sumuko at patuloy pa rin sa pagpapakita ng kanilang talent, ang shadow play, at ngayon, tinanghal na bilang unang nagwagi sa napakalaking talent search, ang Asia’s Got Talent, kung saan ang bawat performance nila ay napakaganda at nagiging emotional ang mga manonood pati ang judges tulad ni Anggun na talagang bawat performance nila ay may mensahe na napakaganda tulad ng ginawa nila noong Grand Finals na tribute sa Mother Earth na namangha ang lahat. Congratulations sa inyo, El Gamma Penumbra! Proud kaming mga kababayan n’yo.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo