SA NAPAKABATANG edad ay namulat na agad si Elijah Canlas sa pag-arte kaya hindi nakapagtataka kung bakit isa na siyang award-winning actor ngayon. Nanalo si Elijah ng best actor sa 17th Asian Film Festival para sa pelikulang Kalel, 15.
Kuwento niya, “Nung five years old po ako, yung mom ko po kasi ay artist din po, dancer and actress din po siya sa Bacolod dati, so gusto niya pong mag-theater po kaming magkakapatid actually. So, bata pa lang po kami nag-i-school theater na po kami.
“Tapos, when I was 12 nakapasa po ako sa Philippine High School for the Arts and I studied Theater Arts po there for four years nung high school ako.”
Doon din daw siya naturang school na-discover para gumanap ng isang role sa Cinemalaya movie.
“Nung first year ko po doon, naghahanap ng batang artista para sa pelikulang Sundalong Kanin ng Cinemalaya, 2014 po. Do’n po ako na-discover.
“I was blessed enough to be casted for one of the lead roles. After that, napasama ako sa Sakaling Di Makarating ng Cine Filipino,” pagtatapat ni Elijah.
Si Elijah ay bumida sa Pinoy BL series na Gameboys na prinodyus ng The IdeaFirst Company at natapos nang ipalabas sa Youtube noong September 13. Partner ni Elijah sa Gameboys na idinirek ni Ivan Andrew Payawal si Kokoy de Santos.
Hindi naging problema kay Elijah ang pagganap ng gay role sa Gameboys dahil hindi raw siya maarte pagdating sa mga roles na gagawin.
“Bilang aktor, wala naman po akong arte pagdating po sa mga role na gagampanan ko. Kasi ako po gusto ko lang ay magkuwento ng mga makabaluhang istorya,” katwiran niya.
“At bilang aktor, nahirapan po ako actually kasi parang sabi ko, ‘Ang hirap nung karakter na ito, ha.’ Sa totoo lang po ito yung pinakamahirap na karakter na ginawa ko sa buong buhay ko, sa maikling buhay ko.
“Pero enjoy na enjoy po ako do’n sa challenge na yon at wala naman po kasing hesitation in accepting this project kahit ganito ho siya,” lahad niya.
Ipinagmalaki din ni Elijah na sobrang proud siya sa kinalabasan ng Gameboys.
“Gameboys is honestly one of the projects that I’m most proud of ever. Ilang taon pa lang naman po akong umaarte pero madami na rin pong… I was blessed enough to be part really good films, and Gameboys is the project I am most proud of po talaga,” sambit pa niya.
Dahil sa clamor ng netizens ay posibleng magkaaroon ng season 2 ang Gameboys bago gawin ang movie version nito.