“Hindi mo kailangang mag-ready. Kilala kita. Mas bongga kang impromptu. Mas bongga nasasabi mo,” sabi nito kay Elijah.
Pinasalamatan din ni Elijah ang kanyang director na si Jun Lana at ang partner nitong si Perci Intalan sa IdeaFirst Company.
“To Direk Jun and Perci, IdeaFirst Company for trusting me always.
“Grabe. Bakit ngayon emosyonal ako bigla? For trusting me always. For believing in me more than I believe in myself. And for trusting me with Kalel’s story.
“Sobrang karangalan po yon. Salamat sa lahat ng sumusuporta sa akin, na minamahal ako kahit sino ako, sobrang… mahal na mahal ko kayo lahat more than I love myself, as in. I can’t even stress that enough,” emosyonal na pahayag ng award-winning actor.
Ayon pa kay Elijah, weird ang naging pakiramdam niya nung makita na niya ang Urian best actor trophy.
Kuwento niya, “Nu’ng una ko itong nakita, di ko alam kung anong mararamdaman ko. Nakangiti lang talaga ako. Tapos hindi ako makapaniwala na hawak-hawak ko siya.
“Alam n’yo po yon? Kapag bata kayo, lalo na ako nu’n, lumaki na umaarte na po talaga since bata ako. Matagal ko pong pinangarap na maging parte ng industriya na ‘to. Makagawa ng mga pelikula para makapag-kuwento. Gumanap ng iba’t ibang karakter.
“Parang ito po, sobrang naba-validate na tama po ‘tong ginagawa ko. And it challenges me. It inspires me to be better.”
“Kapag bata kayo, nanonood kayo ng Oscars, or bigla na lang out of nowhere, nasa banyo kayo. Kukunin n’yo yung shampoo, kunwari nanalo kayo ng awards. Mukha kayong tanga pero ginagawa n’yo. Tapos nandito po yung Urian. Hawak ko po siya ngayon,” ang tila hindi pa rin makapaniwala niyang pahayag.
Mapapanood ang Kalel, 15 sa Netflix na simula December 9.