MALAKI ang pasasalamat ng YouTube sensation at isa sa bida ng pelikulang Cry No Fear na si Donnalyn Bartolome sa co-star na si Ella Cruz dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya sa pagkalunod habang ginagawa ang pelikula.
Kuwento ni Donnalyn, “Tumalon kami to the pool tapos, hindi ko po kaya, ilang take na rin po kasi ‘yun, pagod na pagod na po ako.
“Pag umaakyat ako, tubig pa rin ‘yung naaano ko. Hindi na ako nakakahinga. So, humingi na po ako ng tulong.”
Narinig naman daw ng direktor na si Richard Somes ang sigaw niya pero bago pa man daw ito makatalon, nandu’n na raw si Ella sa likod niya.
“Sobrang thankful ako, nandu’n na siya. Nabuhat na niya ako,” pagre-recall pa ni Donnalyn.
Ayon naman sa kuwento ni Ella, timing daw kasi na pagtalon ni Donnalyn sa pool ay tumalon na rin siya kaya nasa likod lang daw siya nito.
“Tapos nung sakto, siyempre, pagtalon ko, swimming ako. Pag-ahon ko, narinig ko siyang humihingi ng tulong. So, nag-rush na ako sa kanya. Inangat ko na siya,” kwento pa ni Ella.
Ssamantala, palabas na ang Cry No Fear sa June 20.
La Boka
by Leo Bukas