IPINAUUBAYA NA NI Aiko Melendez sa kanyang abogadong si Atty. Adel Tamano in dealing with the resolution filed by the Bulacan Mayors’ league.
Resolution 03-2011 encou-rages all legislative bodies in the province of Bulacan to declare whoever is the person behind the negative publicity against Mayors Patrick Meneses and Enrico Roque as persona non grata.
In a four-page reaction/request letter sent by the Kapunan, Tamano, Javier & Associates, iginiit nito na ang kontrobersiyal na resolution: 1.) flagrantly impairs Ms. Melendez’s constitutional right to freedom of movement; 2.) amounts to an unlawful deprivation of Ms. Melendez’s property rights without due process of law and; 3.) has no legal and factual basis primarily because the antecedent factual matters behind such action are purely private matters.
Hanggang ngayon, cannot be reached for comment si Aiko. All her text replies to this writer are one of gratitude in support of her case. Most certainly, si Atty. Tamano na rin ang hahawak sa kaso ni Aiko na sinampahan ng twin libel case nina Meneses at Roque.
Until the hearing of such case formally begins, hindi muna namin tatalakayin ang depensa ni Aiko sa mga paratang laban sa kanya. In the meantime… chill, Aiko!
BY NOW, BAKA nasabihan na si Ellen Adarna ng production staff ng kinabibilangan niyang fantaserye sa GMA na “dead” na ang kanyang character, blame it on the “burial site” she dug herself!
Marami na raw kasing reklamo ang mga katrabaho ng hitad, either merong prima donna attitude ang aktres(?) na wala pa namang napapatunayan or hindi sumisipot sa mga natanguan nang showbiz commitments, malinaw na indikasyon na salat sa professionalism ang starlet na kapangalan ng mythical bird.
Kung bakit suko na raw ang staff kay Ellen ay ang recent encounter nito with her co-star Michelle Madrigal sa naturang fantaserye. Having spent longer taping hours than usual, nagdasal daw ang hitad na sana’y umulan para ma-pack up ang trabaho.
Pero hindi raw inalinta ni Ellen na habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang panalangin ay siya namang pinagbubuhusan ng mahabang oras ang pagme-make up kay Michelle para sa susunod nitong eksenang kukunan.
Ang ending: umulan nga, so packed up ang taping na ikinatuwa siyempre ni Ellen. But the story about the downpour did not end there. Nakarating kasi sa kaalaman ni Michelle ang dasal ni Ellen.
Dahil useless na rin ang pagpapa-make up ni Michelle, lumapit daw ito kay Ellen, sabay dayalog ng: “You got what you wished for… bitch!”, sabay talikod.
WALANG KAMALAY-MALAY SI Aling Tess na isa palang bayarang babae ang kanyang anak na si Fe, isang lihim na mismong ang ate nitong si Jacqueline ang magbubunyag.
Ito ang isa na namang makaantig-damdaming sugod-barangay episode ng Face To Face ngayong Biyernes ng umaga na pinamagatang Anak Na Maldita, Di Lang Pang Dine-in Kundi Pang-Take Out Pa. Itinulak lang daw si Fe sa ganitong uri ng trabaho para may maipakain sa kanyang mga anak.
Yes, si Fe ay umaming nagtitinda ng “fefe” niya. Type mo siyang makilala, Kuya Dan?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III