BUONG TAPANG na inamin ng sexy star/comedienne na si Ellen Adarna na nagrebelde siya sa magulang noong teenager pa.
Galing sa buena pamilya sa Cebu at the age of 13, nagawa nga niyang sumama sa mga kaibigan na mahilig magparty. “Basta nagwala na lang ako. I became a party girl and had friend na masyadong mga adventurous sa buhay. I wanted that life. Yes! I did try drugs but I never became an addict. Basta tinikman ko ang mga bawal noon pa, kaya tapos na ako diyan.
“Wala naman akong pinagsisihan sa mga ginawa ko noon. That make me who I am today. Mas tumapang, mas independent. My family is always there to support me,” pag-amin ni Ellen na super sexy sa taping ng Bubble Gang.
Samantala, pinabulaan ni Ellen na sunulot niya kay Kris Bernal ang indie film na Ang Tag-araw ni Winkle na idinirek ni Gil Portes at isa sa mga entry ng Sineng Pambansa Film Festival All Master Edition.
Alam naman daw ni Ellen na kay Kris Bernal talaga ang project, pero ‘di raw kaya ng huli ang mga daring scene sa film.
Pagdating sa mga daring scene ay walang takot si Ellen kaya siya ang napili ni Direk na ipalit kay Kris.
“Okey lang kung second choice lang ako for the role. Hindi raw kasi kayang gawin ni Kris ang hinihingi ng role because she has to do Prinsesa ng Masa (balitang pinalitan ang title).
“Ang importante naman ay sa akin napunta and I did my best para magandang performance ang mapanood nila,” tsika pa ni Ellen na siguradong pag-uusapan oras na mailabas na ang nasabing indie film.
Kaya lang, dahil sa mga daring scene na ginawa ni Ellen sa movie ay nakipagkalas siya sa kanyang boyfriend. Pinagbawalan daw kasi siya ng boyfriend na gawin ang nasabing movie.
Per project lang ang kontrata
Janno Gibbs, p’wedeng lumipat ng network anytime
TULAD NI Michael V, si Janno Gibbs din ay per project ang kontrata sa GMA-7 kaya naman nagpakatotoo na rin siya na puwede niyang i-consider ang offer ng ibang network. Pero wala siyang reklamo sa ginagawang pangangalaga sa kanyang careeer ng Kapuso Network.
“Maganda naman ang ginagawang pangangalaga sa career ko ng GMA. Hindi po ako aalis sa network. Kahit na nga mataba ako at kung anu-anong intrigang ibinabato sa akin ay nandiyan pa rin ang network na laging nagbibigay sa akin ng project,” say ni Janno.
Alam na rin ni Janno na posible na sa kanya ibigay ang mga project na iniwan ni Ogie Alcasid sa GMA-7. Lately na nga raw ay inalok na siyang mag-guest sa Bubble Gang na napapanood every Friday sa Siyete.
Pero hindi raw siya makasagot agad dahil gusto niyang mag-concentrate sa taping ng bago niyang serye na Pyra, Babaeng Apoy, na pinagbibidahan ni Thea Tolentino. Ayaw raw niyang pagsabayin ang kanyang trabaho sa takot na mangarag uli tulad ng dati na mauwi sa pagdating niya nang late sa kanyang commitment.
Gusto muna raw niyang mag-adjust sa puyatan kaya pinai-standby muna niya ang offer para sa Bubble Gang. Pero pinagdiinan ni Janno na willing siya na maging bahagi ng show at makasama ang kaibigan din na si Michael V.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo