MAGANDA ANG nagiging review sa bawat umeereng episode ng GMA primetime series na More Than Words. Positive din ang feedback sa acting performances ng mga bida rito na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez at maging ng iba pang nasa cast.
“Siyempre grateful ako,” masayang sabi ni Elmo. “Grateful ako because lahat talaga kami, we give our hundred percent do’n sa show. And.. ‘yon! Hindi lang namin gustong sayangin ‘yong ibinigay sa amin ng opportunity ng GMA. It’s a nice show. And makabuluhan ang kuwento nito talaga for a primetime show ng GMA. Tapos ‘yon… talagang pinagbubutihan namin. And nakakatuwa na maganda nga ang feedback ng mga tao.
“Kumpara sa mga nakaraang soap na ginawa ko, ito ang pinakamahirap para sa akin. Ito rin ang pinaka-challlenging na. Dahil sa mga experience na nakuha ko rito sa show na ito. And hindi lang siya basta-basta, e. May comedy side din siya, e. So ayon din, parang inaaral ko pa ‘yong kung paano ang timpla ng ganitong acting. So, marami akong natututunan dito sa show na ito.
“May bagong papasok na mga characters, e. Pero hindi pa namin alam kung sino. Basta marami kayong aabangan. Marami pang mangyayari. Kasi halfway through pa lang kami sa show. And gaya nga ng nasabi ko, may mga bagong characters na papasok. Kaya dapat n’yong abangan kung ano ang magiging estado nila sa pagpapatuloy ng kuwento ng More Than Words. Kung maaapektuhan ba nila ang relasyon nina Ikay at Hero (characters nila ni Janine). Kasi ngayon nagiging ano na sila, e… nagkakaroon na ulit ng soft heart si Hero para kay Ikay.”
And how is it working with Janine ngayong hindi lang sila magka-loveteam on screen kundi maging in real life na rin?
“Okey naman. Masaya.”
Mas inspiring ba ang pakikipagtrabaho nila sa isa’t isa ngayon dahil sila na?
“Yes. Uhm… ano rin, it’s a plus talaga. It’s a bonus na kaming dalawa ang magkasama. Because… ‘yon, kahit na super let’s say maraming nangyari sa work na parang distractions, buti nandiyan siya palagi to help me motivate. And minu-motivate ko rin siya. Sinasabi ko sa kanya na… parehas tayong nandito para pagandahin ang show na ito.”
Totoo bang sobrang ini-spoil daw niya si Janine sa set? Panay raw ang dala niya ng mga pagkain sweets para sa young actress? Nangiti si Elmo bago sinagot ang tanong.
“‘Pag minsan nga, siya pang ang nag-i-spoil sa akin, e. So… pantay lang.”
Paano ba siya i-spoil ni Janine?
“Kung minsan nagdadala din siya ng mga food. Dinadala niya sa set ‘yong mga luto nila sa house. So… ayon! At saka kung minsan hindi rin kami magkasama sa set, e. So the more na magkita kami, parang matagal kaming hindi nagkita. Gano’n. Gano’n kami.”
Ano ang favorite niya sa mga food na dinadala ni Janine?
“Marami siyang dinadala, e. Pero ‘yong isang natikman ko na talagang nagustuhan ko… ‘yong tuna rice. Masarap!” sabi pa ni Elmo.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan