MATAGAL NA walang ginawang project si Elmo Magalona. At natutuwa siya sa magandang feedback ng viewers sa pagsisimula ng airing ng Villa Quintana kung saan magka-loveteam sila ni Janine Gutierrez.
“‘Yong pinaka-last ko na ginawang soap ay ang Together Forever a year ago pa,” sabi ng young actor.“So matagal na rin akong hindi na-expose sa TV kaya I’m so excited for Villa Quintana. And of course, marami talaga akong adjustments. “
Happy rin daw siya reaction ng kanyang fans sa team up nila ni Janine Gutierrez.
“Meron namang mga kinikilig. Actually maraming supporters ko na sobrang… lagi nila akong tinu-Tweet at mini-message regarding the show.”
Paano siya nag-adjust kay Janine para agad-agad ay magkaroon sila ng magandang chemistry bilang magka-loveteam?
“It’s all about commuinication lang naman, eh. And thet’s what we’ve been doing. “We talk almost like… always kapag magkasama kami. Just through that, nakilala namin ang isa’t isa. “Yon. Tapos as of now, we’re really close na. From the three weeks namin na magkasama lagi.”
Ano ‘yong mga qualities ni Janine na pinakanagustuhan niya? “She’s super… parang nasa ugali niya talaga ‘yong pagiging mabait. At saka… caring. She is really caring.”
Inaasahan na raw ni Elmo ang posibilidad na ma-link sila ni Janine. Normal na raw ito sa kahit sinong nagiging magka-loveteam.
“Oo. Hindi naman siya shocking kung mangyari man iyon,” nangiting sabi pa ng young actor.
Pero ‘yong tsansa na magkagustuhan sila o ma-develop sa isa’t isa? “Hindi ko alam. Hindi ko iniisip ‘yon muna. Kasi kailangang mas mag-focus ako muna sa Villa Quintana.”
Challenging daw for him na i-portray ang role ni Isagani. Kaya nga raw gusto niyang mag-focus talaga rito. Ayaw muna niyang tumanggap ng ibang commitment o proyekto. Siguro marami naman ang nakaaalam kung ano ‘yong pinagdaanan ni Isagani. Kasi nga, this is a remake. Ginawa ito dati ng GMA na ang bida ay sina Keempee de Leon at Donna Cruz.
“And gano’n pa rin naman ang itatakbo ng character ni Isagani. ‘Yong struggles niya sa family niya at ‘yong tungkol kay Lynette (character ni Janine). Feeling ko, malaking tulong sa loveteam namin ni Janine ‘yong story ng Villa Quintana. Kasi ako, nabasa ko na siya, eh. At marami ang makare-relate dito,” panghuling nasabi ni Elmo.
HINDI MAN nakuha ni Ariella Arida ang korona sa katatapos na Miss Universe 2013 na ginanap sa Russia, kung saan nanalo si Miss Venezuela, very proud na rin ang sambayanang Pinoy na nakapuwesto siya bilang 3rd runner-up.
Ang iba pang nag-shine sa nasabing prestigious beauty contest ay sina Miss Brazil (4th runner up), Miss Ecuador (2nd runner up), at si Miss Spain (1st runner up).
Makapigil-hininga nang i-annouce ang top 16 among the 86 candidates ng Miss U sa taong ito. Pinakahuli kasing tinawag ang pangalan ni Ariella.
Although may mga kinabahan na baka hindi siya pasok sa top 16, mas marami ang kampante na makasasama siya hanggang sa top 10 at maging sa five finalists.
Nakatutuwa na sa nakaraang apat na taon ay nakakapuwesto bilang runner-ups ang mga representative ng Pilipinas sa Miss Universe. Si Venus Raj bilang 4th runner-up noong 2010. Sumunod si Shamcey Supsup na nanalong 3rd runner-up noong 2011. At si Janine Tugonon bilang first runner-up naman last year.
Patunay lang ito na angat talaga ang gandang Pilipina. Mismo!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan