GALIT NA galit ang mga tagahanga ng pinakasikat na young actor sa bansa na si Daniel Padilla kina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, dahil na rin sa issue ng pagtawa ng mga ito habang pinaki-kinggan ang awit ni Daniel.
Tsika nga ng mga nanggagalaiting fans ni Daniel, ‘di hamak na sikat ang kanilang idolo kumpara sa dalawang Kapuso stars, especially kay Elmo Magalona na wala pa raw napapatunayan sa showbiz sa pagiging bankabale star.
Mabuti pa raw ang ka-loveteam nitong si Julie Anne, may napatunayan na kahit papaano. Pero si Elmo raw, walang album, walang hit show at higit sa lahat, walang blockbuster movie.
‘Di tulad ni Daniel na Double Platinum na ang Album at malapit-lapit nang mag-Triple Platinum. Samantalang hindi pa rin matuluy-tuloy ang planong album ni Elmo na matagal-tagal nang nasa planning stage.
Hit daw ang mga teleserye ni Daniel at ng ka-loveteam nito sa ABS-CBN na na-extend ng ilang buwan, samantalang flop naman ang show nina Julie Anne at Elmo sa GMA-7 na hindi na nasundan pa.
Patok din sa takilya ang movie nina Daniel at Kathryn Bernardo, samantalang superflop ang pelikulang pinagsamahan nina Julie Anne at Elmo na hindi na rin nasundan, dahil nalugi ang producer nito.
At ‘di hamak daw na mas mara-ming ini-endorse na produkto si Daniel kumpara kay Elmo na ilan lang. Kaya naman daw dapat lamangan muna ni Elmo sa lahat ng nabanggit si Daniel bago nito pagtawanan ang kanilang idolo.
Dagdag pa ng mga tagahanga ng birthday boy na ang galing-galing daw pumili ni Elmo ng magagamit, dahil sikat na sikat daw ang idolo nila, kaya naman daw mapag-uusapan nang husto si Elmo at makakaambon ng kasikatan. ‘Yun na!
HAPPY AT excited ang isa sa tinaguriang Drama Prince ng GMA-7 na si Kristoffer Martin dahil sa nominasyong nakuha nito sa ENPRESS Golden Screen Awards for Best Supporting Actor Category para sa mahusay niyang Performance sa indie film na Oros.
Kuwento nga ni Kristoffer, nagpapasalamat siya sa pamunuan ng ENPRESS dahil napansin ang kanyang acting sa nasabing movie. Manalo o matalo raw ay gagawin nitong inspirasyon para paghusayan pa ang kanyang trabaho.
Bukod sa kanyang dalawang regular shows sa GMA-7, ang Party Pilipinas at Ang Kakambal ni Eliana, kasama rin ito sa casts ng GMA Films na The Basement, kabituin ang ilan sa GMA stars na sina Teejay Marquez, Chynna Ortaleza, Louise Delos Reyes, Enzo Pineda, Mona Louise Rey, atbp.
ISA RAW sa dream ng Dugong Buhay star na si Arjo Atayde ang magkaroon ng sariling pelikula, kung saan gusto nitong makasama ang kanyang iniidolong si John Lloyd Cruz. Alam daw nito na may kakaibang hatak sa takilya si John Lloyd, kung saan ang recent movie nito with Sarah Geronimo ay sumira ng taas ng kita (P345-M) na naitala ng pelikula ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin (P331-M). Habang pumangalawa naman ito sa Top Grosser na Sisterakas na pinagbidahan nina Ai Ai Dela Alas, Kris Aquino at Vice Ganda na kumita naman last 2012 ng P391-M.
Gusto nga rin daw ni Arjo ng karisma at hatak sa pelikula katulad ni John Lloyd Cruz, gusto raw kasi nitong magkaroon ng blockbuster film.
Hopefully daw ay mabigyan na raw siya ng pagkakataong umarte sa pelikula para masubukan na niya ito. Okey lang daw kay Arjo kung drama, comedy or action ang ibibigay sa kanya, basta maganda ang istorya at maganda ang role na ibibigay sa kanya ay willing siyang gawin ito.
John’s Point
by John Fontanilla