Hindi pa man isinisilang ang kanilang anak na may palayaw nang Buchochoy, mas nauna pang iniluwal ni Ryan Agoncillo ang bagong konsepto ng Talentadong Pinoy.
If a woman’s pregnancy takes about nine months, sampung linggo naman ang “Drama” sa likod ng nangungunang talent search on Philippine TV. Ten-week title defense ang kailangang bunuin ng isang aspirant who, for every week of victory, is already assured of a fat 50K in his fingertips! Pero hindi lang ito basta depensahan ang kanyang lingguhang pagkapanalo.
Dito na papasok ang variety of talents for him to convince the talent scouts as well as the jury na hindi limitado ang kanyang kakayahan. Call it versatility. Kunsabagay, may “sawa factor” nga naman kung ang isang singing champ will make birit all throughout the race.
BAGAMA’T NAGDEKLARA SI Ely Buendia na wala silang personal na tampuhan ni Pia Magalona, halatang bad trip ang bokalista sa isyung hindi niya inabisuhan ang biyuda ni Francis M. na nai-release na pala ang kanilang collaborative album.
“It’s not my responsibility to inform her,” tahasang sinabi ni Ely patungkol kay Pia who begrudges Ely’s camp. Hindi raw sila (kampo ni Ely) ang magdidikta kung kelan ang release ng album, but rather the recording company na Sony BMG. Nagkaroon naman daw ng serye ng mga meeting, kaya imposibleng hindi ‘yon alam ni Pia. And the mere fact that Elmo, Francis and Pia’s son, has been performing cuts taken from the album ay sapat nang pagpapaalam ‘yon kay Pia.
Sa isyung ito, maliwanang na this is between Pia and Sony, hindi sa pagitan nila ni Ely. Niether should Ely’s former partner Dianne Ventura be made accountable for the miscommunication problem.
One thing’s for sure, Francis M. must be turning in his grave. Wala naman kasing dapat maging isyu, it’s just that his widow is making big fuss out of it.
MALAKING BENTAHE NG ABS-CBN ang pagkakaroon ng pinuno sa katauhan ni Charo Santos-Concio, herself an actress whom we can say rose from the ranks.
This much I know about Ma’am Charo kung tawagin ng marami. Tapos siya ng AB CommArts sa St. Paul’s College. She was introduced in Mike de Leon’s Itim (one of my favorite films). Nagtrabaho siya sa Regal Films, and found her rightful home in ABS-CBN. Ma’am Charo still hosts the 18 year-old Maalaala Mo Kaya?
Given her showbiz background, hindi na ako nagtataka kung bakit ganu’n lang ang mataas na respetong ibinibigay ni Ma’am Charo sa mga kapwa niya artista, most specifically to the veteran stars na maaaring limot na in this “now” generation. Ibang klaseng pagpapahalaga ang iginawad ng Dos kay Mila del Sol, bahagi ng Rosalka.
At sa fashionseryeng Magkaribal, nabuhay ang ating kamalayan sa pagsulpot muli ni Robert Arevalo na gumaganap bilang baklang dean of fashion. If Kuya Germs takes pride of his Walk of Fame, Ma’am Charo lays a carpet for our legendary stars’ renewed glory.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III