MULING MAPANONOOD sa SM Cinemas ang isang Emilio Aguinaldo bioflick.
Ngayong December 2, 2015 (Miyerkules), ang “director’s cut” na nire-titled “General Emilio Aguinaldo: The First Philippine President” ay exclusively mapanonood ng publiko sa mga sumusunod na SM Cinemas: North Edsa, Mall of Asia, Megamall, Sta Mesa, Manila, San Lazaro, Marikina, Fairveiw, Bacoor, Dasmariñas, Pampanga, Clark, Cabanatuan, Cauayan, Cebu, Iloilo, Davao, and Lanang.
Ibig sabihin, since “director’s cut” ang version na ito, may difference ito sa napanood ng sambayanan noon sa pelikulang pinamagatang “El Presidente” ni Jeorge Estregan, Jr.
Pagkatapos nga kasi ng super hit “Heneral Luna”, kung saan ang character ni Emilio Aguinaldo ay napakahalaga sa istorya, magandang i-check kung sa “version” nga ng pelikulang ito ni Direk Mark Meily ay malalaman ng audience kung si Aguinaldo nga ba ay “real culprit” o “biktima” rin?
Ayon sa Scenema Concepts na producer ng pelikula, “This is the ‘side of story’ of Aguinaldo, based on the 14-years of extensive research, with newly inspired factual events to inform and educate the new generation of students.”
Ang pelikula ay isang epic film tungkol kay General Emilio Aguinaldo, na dahil sa kanya kaya nag-spark ng rebolusyon ng Pinoy laban sa Spain at Amerika, at naitatag nga ang first democratic republic in Asia.
Sa December 2 re-showing ng “General Emilio Aguinaldo: The First Philippine President”, may 50% discount for the movie tickets para sa mga estudyante at teachers with valid school ID’s.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro