NAKAKATUWANG isipin na kahit na matagal na silang hindi nagkakatrabaho, solid pa rin ang relasyon bilang magkaibigan nina Enchong Dee at Erich Gonzales.
Unang nagkatambal ang dalawa sa launching soap opera ni Erich na Katorse. Noong una ay sina EJ Falcon at Xian Lim ang main leading men ng dalaga. Dahil sa mga isyung pumalibot sa mga bida ay idinagdag sa cast si Enchong Dee. Luckily, mas nagwork ang partnership nina Erich at Enchong na nasundan pa ng indie film na ‘Paano Ko Sasabihin? na kalahok sa Cinema One Originals. Binigyan din sila ng pagkakataon na magbida sa mainstream films tulad ng ‘I Do’ at ‘Once a Princess’.
Sa telebisyon ay nagsama rin sila sa Philippine adaptation ng Mexicanovela na pinagbidahan noon ni Thalia na ‘Maria la del Barrio’, ‘Magkaribal’ at ang huli ay ang ‘The Blood Sisters’ noong 2018.
Dahil matagal-tagal na rin hindi nagsama at pareho naman mahilig gumawa ng digital content sa kanilang individual YouTube accounts, why not collaborate on a much bigger project?
At ‘yan na nga po ang ginawa ng mag-partner. Presenting EnRich Originals!
A few weeks ago ay inilunsad nina Enchong at Erich ang EnRich Originals YouTube channel kung saan nila iuupload ang mga self-produced content nila. Hindi na lang ito basta pagupload ng pranks, Q&A o usual daily vlogs. This time, they are making scripted content na siguradong ikatutuwa ng mga loyal fans nila.
And for their premiere salvo, ilo-launch nila ngayong September 19 at 8PM ang una nilang digital series entitled ‘You. Me. Maybe‘.
Salamat sa isang kaibigan na nakabasa sa mga request ng mga loyal EnRich fans, nabigyan ng ideya and boost of confidence ang dalawang Kapamilya stars to finally venture into producing their own content. Kung hirap ngayon ang kanilang home network to produce shows or movies they can star in, might as well make their own, ‘di ba?
Based on the trailer, isang romance-comedy ang ‘You. Me. Maybe’ na mula sa panulat ni Noreen Capili. Kuwento ito ng dalawang tao na nasa unhappy relationships at dahil sa isang special food delivery encounter ay mag-uumpisa ang kanilang kilig love story.
It might sound cliche to some, pero aminin ninyo – sabik na kayo sa feel-good content katulad nito!
Special guests sina Arjo Atayde at Janella Salvador dito at mismong si Erich Gonzales ang direktor nito using her real name na Erika Chryselle Gonzales Gancayco. Astig, ‘di ba?
Kung fan kayo ni Erich, hindi na kayo mabibigla kung may pulso sa pag-produce ang dalaga dahil siya ang co-producer ng action movie na ‘We Will Not Die Tonight’ na pinagbidahan niya two years ago.
Congratulations, Enchong and Erich! Siguradong todo support ang mga fans ninyo!