Bongga ni Enchong Dee sa kanyang kauna-unahang partisipasyon niya sa “Mano Po” anthology.
Sa bagong “Mano Po 7: Chinoy”, lumutang ang aktor sa performance niya as Richard Yap and Jean Garcia’s eldest son na pasaway, rason para hind maging malapit ang loob ng ama niya na si Wilson Wong.
Sa premiere night ng pelikula last Friday, we enjoyed Enchong’s performance. Ang galing niya.
Sayang, kung naisama at napili sana ang pelikula sa darating na MMFF 2016 entry, malaki ang laban niya as Best Supporting Actor.
Pero waley. Natanggap na ng aktor na ang pagpupursige niya na mapagaling ang trabaho niya at pag-arte na nanghinayang siya na hindi mapapansin ng mga panumuan ng MMFF 2016 jurors ang kagalingan niya.
“Pero it’s the same effort din naman everytime na may trabaho or project ako. Hindi man nakasama ang movie namin sa MMFF, happy pa rin ako dahil sa magandang review ninyo (press) na nakapanood ng pelikula,” kuwento ng aktor sa amin pagkatapos ng post-dinner celebration after the positive reviews ng mga nakapanood last Friday.
One nice thing nice about Enchong ay positibo ang pananaw niya.
“Blessing in disguise na rin siguro ito para sa amin. More theaters kami at mas marami makapanonood,” sabi niya.
Sa darating na Wednesday, December 14 na ang showing ng movie nationwide.
Pansin ko sa pelikula, parang ang sarap humalik ni Enchong base sa eksena nila ni Jessy Mendiola na gumaganap bilang girlfriend niya sa pelikula.
Paningit lang. Almost 11 months na palang zero ang lovelife ng aktor, pero happy siya sa status niyang single.
Anyway, congrats, Chong sa performance mo sa “Mano Po 7: Chinoy”! Ang galing mo.
This Sunday, nasa Lucky Chinatown Mall ang aktor kasama ang ibang cast ng pelikula after ng parada nila sa Binondo for thier promo.
Reyted K
By RK VillaCorta