NAALALA KO pa nang una nating nakapanayam si Enchong Dee sa kanyang indie film noon na “Paano Ko Sasabihin” kasama ang kanyang leading lady na si Erich Gonzales. Doon nagsimulang umusbong ang kanyang career. Mahusay ang batang ito at balita ko, mahusay mag-alaga sa kanyang career.
Pero, para sa akin hanggan ngayon ay mukhang hindi siya nadadala ng tugatog ng tagumpay bilang artista sa pelikula at telebisyon. Marami kasi ang mga artista na ‘pag nakikilala ay mukhang kasama ang ulong umaangat. Anyways, buhay nila ‘yon, sila ang bahala, e ‘di wow! Hahaha!
Tingnan natin ang mga pananaw ni Enchong.
Mukhang maganda ang katawan mo ngayon, ah. Nag-gymnastic ka ba?
“Ah, opo. Dapat kasi ‘yung mag-build ng muscle eh.”
Ah, mas okey ang katawan mo ngayon. Nice. Uhmm… kumusta ka ngayon, ano ang mga project natin?
“Ah, masaya. Masaya naman ako sa trabaho. Sabi ko nga nu’ng nagsimula ako na gusto kong i-try iyong iba’t ibang field ng trabaho ko. So, nu’ng natapos ko ‘yung album (Enchong Dee self-titled album), bumalik ako sa TV, iyong may “Kung Fu Chinito”. Nakakatuwa, kasi may mga fans na ulit akong mga bata. Pambata kasi ‘yung kuwento namin sa “Wansapanataym”. Tapos ngayon ay PBB (Pinoy Big Brother), they got me as one of their hosts na kinakabahan ako kasi ang laking franchise ng PBB. Ah, kumbaga team na sila, si Robi, Bianca, at si Toni, pundasyon na sila ng PBB. Ngayon po, papasok ako, ahh… nagsisimula ako ulit sa panibago. ‘Yung concert ko, katatapos lang kagabi for the second night, ah, masayang-masaya, kasi kung ano ‘yung mission ko when I first started.”
Ang husay talaga ni Enchong, na-develop na ang talent eh, na-accomplish pa niya lalo.
So, ngayon kapag inalok ka ulit ng indie film, okey lang sa ‘yo?
“Ah meron akong gagawin matapos nitong concert ko, may nakaplano na indie film.”
Wow naman! Who will direct it?
“Ah, parang wala pa, secret pa? Ah, hindi pa kasi kami nag-second meeting. Pero ang alala ko lang eh, the reason why I wanted it, is because Director Brillante Mendoza will be guiding the film. Kaya ako naman, gusto kong makatrabaho iyong mga taong malaki ang itinutulong sa industriya lalo na sa indie film, kasi iyon ang dinadala natin sa abroad, pinanlalaban natin sa competition. So, iyon ang gusto kong makatrabaho, kasi ibang feeling, ibang matututunan mo rito.”
Totoo naman, kasi iyong iba nga eh, minsan hinahanap nila iyong indie kasi ito ay puwede ring ipalabas internationally, lalo na kapag nanalo ng award.
“Eh, ‘di ba karaniwan, nabibigyan lang ng recognition outside the country saka lang napapansin dito sa atin? Kaya kaming mga artista, gusto rin naming makatulong kahit papaano sa little way namin. Saka kapag nagustuhan talaga, ‘di ba like sina Kuya Piolo from indie bago sila talagang sumikat, so everyone is excited and wanted to really work with indie filmmaker.”
Bukod dito, sa loob pa ng five up to ten years, what’s your plan about your career?
“In the next 5 years, pagbubutihin ko pa iyong ginagawa ko even siguro in the next ten years dapat may pamilya na rin ako, ‘di ba?”
Pero, ‘di mawawala iyong acting na maaaring kuya-kuya si Enchong o tatay-tatay o lolo-lolohan, hahahah! Sobra naman iyon, tatay muna siguro. Kamakailan, ang Wansapanataym presents ‘Kung Fu Chinito’ ni Enchong ay combination ng action at comedy.
“Alam ninyo ba na bago ko tanggapin iyon, alam kong pambata ito? Kaya kapag napanood nila, malayong-malayo, kasi it’s really for kids. Ah, natutuwa ako kasi ang ganda ng pagtanggap ng tao. At ‘di ba ang sarap ng feelings na gumagawa ka ng with values,” pagtatapos ng kuwento ni Enchong.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
[email protected]; CP: 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia