GUSTO nang mag-quit sa showbiz noon ni Enchong Dee pero palagi niyang naaalala ang advice sa kanya ng manager kaya nananatili pa rin siya sa industriya hanggang ngayon.
Ani Enchong, “I think staying in the business was always the goal. The decision just followed. It’s an everyday decision that you have to make. The people in Star Magic knew na ilang beses na rin akong nag-attempt, ilang beses na akong nagsabi na okay na siguro, naka-ten years na ako.
“And then lagi sa aking sinasabi ni Tita Monch, my handler, my manager for the last fifteen years. Sabi niya sa akin, ‘Alam mo, hindi totoong nagre-retire ang artista. Kapag naging artista ka na, nandiyan ka na forever. Babalik at babalik ka lang. Yes, magte-take time ka pero babalik at babalik ka.’”
Ang huling episode niya raw na ginawa para sa MMK ang nagpaalala kung gaano niya kamahal ang pagiging aktor.
“Naintindihan ko. While we were doing this episode. Nare-remind ako kung gaano ko kamahal yung pagpakita ng emosyon. Naalala ko kung gaano kasarap makatrabaho na sabay-sabay kayong napapagod.
“Kaya nga ang sabi ko, ang suwerte ko. Ang tawagan sa ABS-CBN ay kapamilya kasi kapag kapamilya, nandiyan talaga kayo para sa isa’t isa. Yon yung hinahanap ko every time I am on the set. Kailangan kong tratuhin yung co-actors ko the same way that I treat the wardrobe, the make-up artist, the staff, the utility people. It’s the same. Again, it all boils down to being a family,” sabi pa ng aktor.
“For the meantime, gusto ko po muna magpahinga kasi natataranta ang utak ko sa mga lock-in taping. Ngayon pa lang ako nasasanay. Mayroon akong inaasahang pelikula na gustung-gusto kong gawin.
“Supposedly, mag-start kami end of November and then matatapos siya before Christmas pero na-move siya,” dagdag pa ng aktor.