YOUNG ACTOR ENCHONG Dee is getting rave reviews in his acting performance in the movie Sa ‘Yo Lamang. Pero sa kabila ng masayang pangyayaring ito sa kanyang lalong sumisiglang career ay mayroon namang isang matinding pagsubok na kinakaharap ngayon ang aktor. Enchong was recently involved in a vehicular accident na naganap sa kanto ng Taft Avenue at Castro Street. Nagkabanggaan ang sasakyang minamaneho ni Enchong at isang pampasaherong jeep.
According to the police report and the written statement of the guard, Enchong has no fault in the accident.
“Wala akong kasalanan du’n sa nangyari kasi unang-una naka-stop na.
Merong mga tao, kahit ‘yung mismong guard na on duty du’n sa lugar na ‘yun ay nagbigay ng report. Sinasabi niya na hindi ako ‘yung may kasalanan dahil nag-go na siya at sumingit ‘yung jeep,” paliwanag ni Enchong nang siya ay aking na-interview sa The Buzz.
A passenger named Marlon Bonalos was wounded in the accident dahil nakalabas ang kanyang paa sa jeep. Hindi naman tinalikuran ni Enchong ang biktima. “Pumunta ako sa ospital kasi ‘yun ‘yung tamang gawin. May mga kailangang bilhin na mga gamot dahil kailangang tahiin. Ako ‘yung naglabas ng pera. P700 pambili ng mga kailangan niya that moment.” He also gave Marlon an additional P3,000 for his other medical expenses.
Pero hindi rito nagtapos ang kanilang ugnayan ni Marlon dahil last August 15 ay nag-text daw ito sa friend ni Enchong na kailangan niya uli ng tulong. However, Enchong was admitted in a hospital on that same day because of dengue. Sinabi ni Enchong na magpapadala siya through his friend ng P3,000 and this was aside from the crutches that Enchong previously gave him.
Sinagot ni Enchong ang mga paratang sa kanya na representative raw niya ang kanyang pinapadala at pinapirma raw ng kanyang mga abogado last August 15 si Marlon sa isang papel. “Hindi po totoo ‘yun. Unang-una, wala akong abogado na ipinapadala sa kanya at pangalawa, may pinapapirma sa kanya na natanggap niya ‘yung tulong.” He was in the hospital from August 15 to 22.
May mga tinext pa raw si Marlon sa kanya na mga pangangailangan ng kanyang pamilya. After the second P3,000 that Enchong gave him ay hindi na siya nagpadala dahil nagpa-interview na si Marlon sa isang station. At sa hamon ni Marlon na siya ay magpakalalaki, “Marlon, unang-una sinabi mo magpakalalaki ako. Kung hindi ako nagpakalalaki nu’ng oras pa lang na sinabi ng mga pulis na wala akong kasalanan umalis na sana ako. Hindi na sana ako nag-abot ng tulong. Nakakalungkot isipin kasi after all the help, ganito pa ‘yung nangyari. Sana naiintindihan mo lahat ng nangyayari.”
Sana ay maayos na ang anumang dapat ayusin.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda