MERON NA BANG gagawing teleserye si Claudine Barretto ngayong isa na siyang Kapuso? O, sadyang ginamit lang muna siya sa pagpo-promote ng mga upcoming shows ng GMA-7?
Kami, feeling namin, umpisa ‘yon ng pagpaparamdam ni Claudine ngayong siya ay Kapuso na at mina-manage na ngayon ng Viva Artist Agency.
Pero may mga nagtatanong din na siyempre pa ay hindi namin masagot.
Ang tanong ay bakit news blackout sa dating bakuran ang paglipat ni Claudine at hindi pinag-usapan?
Ikinukumpara din si Claudine kay Angel Locsin na pinag-usapan nang bonggang-bongga ang pag-alis nito sa GMA hanggang sa maging Kapamilya.
Me ganu’ng factor ba ‘yon? Kami, feeling namin, mas pinili rin ng Kapamilya na ‘wag na lang magsalita.
At kahit siguro kay Claudine, mas type nitong tahimik na lumipat bilang Kapuso.
Palagay n’yo?
Ba’t ganun ang ibang tao? Sinabi na ni Enchong Dee na hindi siya bading ay kumbakit ipinipilit pa nila?
Dapat pala ay hindi na sinasagot ito ni Enchong para hayaan na lang silang magduda nang magduda hanggang sa ika-highblood na nila.
Ang alam talaga namin (so far) eh, si Enchong, medyo malamya lang kumilos, pero deep in his heart, tunay na barako ‘yan.
Saka ano ba yon? Porke wala lang girlfriend, bakla na? Batayan ba ang pagsi-siyota para tumingkad ang pagkalalaki mo?
So, ngayong me pamilya na kami, may misis at apat na anak na kami, ano ‘yon, barakung-barako na ba ang dating namin, gano’n?
Lets pray for the speedy recovery ni Daddy Renato Contis, ang Italyanong daddy ni Paolo Contis. Medyo hindi maganda ang kundisyon ni Daddy Renato at nakikipaglaban sa Big C sa prostate.
Nakatutuwa si Paolo, dahil balewala sa kanya kung magkano man ang nagagastos niya sa pagpapaospital sa kanyang ama.
“Hindi ko pa ine-entertain ‘yung thought na mawawala ang Papa ko, kaya lahat ng paraan, ginagawa namin at ng mga doktor para lumakas siya!”
Manalig ka lang kay Bro, Paolo!
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn. Kasama siyempre, sina Ms. F, Daddy Eric at Fwend Rommel.
Oh My G!
by Ogie Diaz