NAIRAOS DIN ang 7th PMPC Star Awards for Music. Sa kabila ng mga mga ngalngal ng mga hindi kuntento sa mga singers-performers na nagsipagwagi (napagod na rin ako,) mas nakuha ang atensyon ko last Tuesday evening sa dalawang performances na nagpasiklab sa naturang parangal na isinagawa sa sinasabing New Kia Theater sa Cubao na super init sa loob ng teatro at ang carpet, que horror at luma. Pero let’s forget the venue, dahil nabawi naman ni Enchong Dee ang pagkairita ko sa venue na mas malamig pa ang katabing McDo sa sarap ng aircon nila habang nagka-kape ako.
Speaking of Enchong kasi as a performer, ang galing niya (kahit hindi ko mapulsuhan ang totoong boses niya’t nag-lip-synch lang kasi siya. Ang sexy niyang mag-perform sa kanyang medley (two of his songs), kung saan ‘yong kanta niya na danceable ang ipinamalas niya. Ang galing gumiling ni Enchong. May “libog” siya on stage and it was the first time na napanood ko siyang mag-perform kahit lip-synch.
But I want to see more of Enchong perform live. Sa galaw niya at paggiling kasama ang pagkadyot, ewan ko kung may hingal factor ang aktor habang nagsi-sing and dance. When he performs, puwede kong sabihin na siya ang Ricky Martin ng Pilipinas na malanding mag-perform on stage.
Agaw-pansin sa akin ang back to back performances nina Alex Gonzaga at Aicelle Santos (of the PETA’s Rak of Aegis) na kitang-kita ang difference kung sino talaga ang tunay na singer sa kanilang dalawa.
Unang kumanta si Alex (another lip-synch number) na novelty na naman na segue sa performance ng isang totoong singer. Kaya tuloy nagmukhang kawawa itong si Alex at maikukumpara mo talaga kung sino ang tunay sa tinubog lang.
Kung sino man ang nagma-manage sa career ni Aex, dapat sa susunod, itanong nila sa scriptwriter ng show or whatever kung sino ang makasasama ng alaga nila on stage. Nagmukhang kawawa tuloy si Alex na isinabay ba naman sa isang production number with a real singer. Tuloy, nagsa-suffer ang isang lesser sa galing na tulad niya.
Okey lang kung isang chorus or group performance ang ginawa nina Alex at Aicelle and with other singers. Kaso may kanya-kanya silang highlight ng kanilang performance. Tuloy, naalala ko ang mga sundalo natin na sumabak sa tunggalian sa Mamasapano na kulang ang bala at sumugod sa giyera. Tsk… tsk…
Reyted K
By RK VillaCorta