WALANG balak si Enchong Dee na umalis ng ABS-CBN kahit pa nagsara pansamantala ang TV network.
Hanggang ngayon, for almost 15 years, ay nananatili ring Star Magic artist si Enchong kahit ang ilang artistang kasamahan niya dito ay lumipat na ng ibang manager.
Para sa aktor, nakapaghanda siya kahit na papaano bago bawian ng prangkisa ang ABS-CBN at dumating ang COVID-19 pandemic na nagsimula noong March 2020.
“Kasi sa akin, isa sa mga bagay na na-realize ko, and naintindihan ko rin, hindi ko kasi puwedeng gawing measurement yung loyalty just because of what’s happening now.
“Siguro sa akin na lang, I’m very fortunate and very blessed that I was able to invest my money as early as pagpasok ko pa lang sa showbiz fifteen years ago,” paliwanag ng aktor.
Patuloy ni Enchong, “Kumbaga, hindi ako naging kampante. Katulad nga ng sinasabi ng Sun Life, na you have to grow your money in such a way that you will have that freedom in the future.
“So, as early as 17, 18 years old, ipinasok ko na sa utak ko na kailangan ko yung freedom na yon, kailangan ko yung options na yon.”
Sa awa ng Diyos, dahil na rin sa pag-i-invest niya nang maaga ay hindi naman daw siya namomroblema sa pera ngayon kahit wala siyang masyadong trabaho sa showbiz.
“So, now, with all these things happening, hindi ako masyado worried about saan ko kukunin yung pambayad ng kuryente, ng tubig, ng renta, yung mga ganong bagay.
“Because I invested my money properly. So, ngayon, hindi masyadong mahirap sa akin yung desisyon na, ‘Okay, lilipat ba ako o hindi?’ Because again, show business is only a certain part of who I am.
“Maraming bagay tayo na iniintindi at pinagkakaabalahan. And for me, itong nangyari sa atin, hindi siya masyadong mahirap gawan ng desisyon,” lahad pa niya.
Samantala, ayon pa rin kay Enchong ay naiintindihan daw niya ang desisyon ng ilang Kapamilya stars at Star Magic artists na magtrabaho sa ibang TV network.
“Because by the end of the day, a lot of my contemporaries, a lot of artistas are breadwinners. Hindi mo naman puwedeng alisin sa kanila yung pagkakataon na magtrabaho sa isang lugar,” rason ng binata.
Samantala, ilan sa kasamahan ni Enchong sa Star Magic na lumipat na sa ibang manager ay sina Julia Barretto, McCoy de Leon, Diego Loyzaga at Bea Alonzo.
Nagtatrabaho naman sa TV 5 sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Alex Gonzaga, Dimples Romana, Beauty Gonzales, Pokwang, Maris Racal, Ian Veneracion at iba pang artista kahit sila ay nananatiling Kapamilya stars.