AKALA NI Enchong Dee, makapagbabakasyon siya after ng teleserye niya sa Kapamilya Network tulad ng nasabi niya sa press noog farewell presscon nila nina Enrique Gil at Julia Montes.
‘Yun pala, hindi rin siya makasingit dahil bago siya umalis papuntang Beijing (China) at Mongolia kasama ang parents niya at kapatid ay dumating ang offer sa kanya to do a comedy flick kung saan makakasama niya sina Pokwang at Jessey Mendiola sa Call Center Girl na palabas na sa November 27 na handong ng Star Cinema at Skylight Films sa direksyon ni Don Cuaresma.
“Sayang naman kasi kung tatanggihan. ‘Di ba ang daming gustong magka-project, sayang kung hahayaan ko lang na mawala,” sabi ng aktor sa amin during the press launch.
Kung sa bagay, hindi maganda na tanggihan ang grasya. “Baka magtampo,” sabi ni Enchong.
Pero ngayon pa lang, nakahanda na ang binata sa magiging bakasyon nila muli ng parents niya this December sa Japan.
Ang alis nila ay sa December 25. “Pero babalik kami before the New Year. Dito pa rin ako magki-Christmas at New Year’s Eve,” sabi ng aktor.
Sa Call Center Girl, he plays the boss of Pokwang who works sa isang call center.
Napanood namin ang trailer ng pelikula ang we find it funny. Pagsamahin ba naman ang mga magagaling nating mga komedyante like Pokey, John Lapus, Chokoleit at Ogie Diaz; expect a riot film.
Kaya nga pati si Enchong, nahawa na rin sa kabaliwan ng cast na kasama niya sa pelikula.
HINDI LANG ang panganay na anak ng aktres na si Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde ang nasa showbiz. Maging ang pangalawang anak na dalagita niyang si Ria Atayde (a student leader at DLSU) ay tila nagkaka-interest na ring pasukin ang showbiz.
Simula last Monday, first appearance ni Ria sa Be Careful With My Heart sa reception scene ng kasalang Ser Chief at Maya .
Ria plays the role of the reception host (with many speaking lines, huh!) na mapapanood ninyo hanggang ngayong araw. Feedback ng production staffs, magaling si Ria sa role niya na siyempre naman ay ikinatuwa ng ina niyang si Sylvia Sanchez.
To quote Ria: “Such a great experience to have been able to be a part of the show and to work with my mom even just for a day.” As far as I know Ria’s dream is to be a broadcast journalist and someday ay makapag-work sa BBC World or CNN. Good luck!
KAHIT KAILAN, never ako na-impress kay Korina Sanchez. Kahit ang mga fundraising drive niya sa mga iba’t ibang kalamidad noon pa man bago ang super typhoon Yolanda, personally, hindi ko nararamdaman ang sinseridad ng pagtulong niya.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako naaantig kapag si Ate Koring na ang nag-iimbita para tumulong. It might be because of her voice or masyadong matapang ang dating o baka naman behind my mind, alam ko na asawa siya ni DILG Sec. Mar Roxas na pino-posisyon ni PNoy para maging president sa 2016 na ako mismo ay hindi bilib.
Between Ate Koring at Jessica Soho, mas may puso si Jessica kaysa kay Korina na napakatigas at matapang ang dating.
Reviewing their Sunday shows, I find Jessica’s show more interesting at mas may puso
Ngayon na nalalagay si Ate Koring sa “negative feedbacks” mula sa netizens after niyang bakbakan si Anderson Cooper ng CNN sa kainitan ng rescue and relief operations sa Tacloban (Leyte) na ayon sa international reporter, he was just stating facts, observations and experience compare kay Ate Koring na kahit saan mo man tingnang anggulo, she will always defend PNoy’s administration lalo pa’t her husband is aiming for the “throne” in 2016.
More tsikang kuwento about Ate Koring from mainstream media na nakasama niya noon kung gaano ka-“bratty” ng Kapamilya Network Senior Correspondents noong nag-uumpisa pa lang siya as a reporter ng PTV 4.
Reyted K
By RK VillaCorta