Love team Erich Gonzales and Enchong Dee topbill in their first mainstream movie titled I Do under Star Cinema and directed by Veronica Velasco. Ang pelikula ay istorya ng pag-iibigan nina Yumi (Erich), a girl na naniniwala sa fate at destiny, at Lance (Enchong) na kabilang sa isang typical at traditional Chinese family na maraming mga tradisyon na kailangang sundin.
Kuwento ni Erich tungkol sa kanyang karakter, “Naniniwala siya sa mga destiny, fate. Contrast sila roon ni Lance kasi hindi siya naniniwala sa ganoon.” Sabi naman ni Enchong that his character will do everything just to fulfill his promises to Yumi.
After starring together on the hit series Katorse, Tanging Yaman, Magkaribal and their independent movie Pa’no Ko Sasabihin ay muling pinatutunayan nina Erich at Enchong ang kanilang star power sa I Do. Hindi maikakaila na malakas ang hatak ng kanilang loveteam sa mga manonood kaya binigyan sila ng ganitong kalaking proyekto.
Alam ni Erich na malaki ang nakapatong na responsibilidad sa kanilang mga balikat ni Enchong lalo pa’t iba ito sa mga nagdaan nilang projects. “Napakalaking pressure kasi it’s a big project. Iba ito sa mga nagawa naming teleserye before, sa indie movie namin. And iyon nga mainstream siya tapos under Star Cinema pa. First time naming mag-lead sa isang pelikula kaya hindi maiiwasan na ma-pressure at kabahan.”
Parang kailan lang when I first met Erich nang siya ay sumali sa ABS-CBN’s Star Circle National Teen Quest kung saan isa ako sa mga naging jurors. Ngayon ay dalagang-dalaga na siya (she’s 20 years old). Biniro ko pa nga siya dati nang magkita kami. Sabi ko dalaga na siya. Nakakatawa ang naging sagot niya sa akin, “Sobra, Tito Boy!”
She admitted on The Buzz that her life made a 360-degree turn after she joined showbiz dahil unang-una ay malayo siya sa kanyang pamilya na nakatira sa Davao City. “Nakaka-sad sobra po pero nandito ako nagtatrabaho naman para sa kanila. And I’m sure kung ano ang narating ko ngayon ay sobrang happy sila dahil nandiyan sila para sa akin.”
Matagal ko na ring kilala si Enchong having met him when he was maybe 13. Enchong is AJ Dee’s younger brother. Enchong showed that he is not only a champion swimmer but also a talented young actor.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda