MAPAPANOOD NA sa wakas ang Philippine adaptation ng 2018 South Korean romance drama na ‘Encounter‘ sa TV5. Ito ay pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at Cristine Reyes mula sa direksyon ng award-winning director na si Jeffrey Jeturian.
Originally led by K-Drama royalties Song Hye-kyo and Park Bo Gum, ang ‘Encounter’ ay isang May-December love story ng mas matandang babae at mas batang lalaki. In real-life ay five years lang ang age gap nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga habang ang original Korean lead stars nito ay may 12-year age gap.
Set in the beautiful Ilocos Region, siguradong maiinlove lalo ang mga manonood at baka maisipan din nilang bisitahin ang nasabing rehiyon.
On his character as Gino, “(He) is a simple and humble guy. His (parents) are fruit vendors. He has a positive outlook in life. He is an old soul kahit na bata pa siya . He believes in the (old) sayings na parang mahahanap mo yung tunay na para sa’yo, yung mahal mo in the right place at the right time.” sambit ni Diego sa online mediacon para sa ‘Encounter’.
Para sa karakter niya bilang Celine, “(Her husband’s) family has (a chain) of hotels and is controlling and manipulative,” ani Cristine. Dahil sa pamilya ng kanyang unang asawa ay naghiwalay ang dalawa. Dito niya makikilala ang mas batang si Gino na mas makikitaan niya ng koneksyon.
Fresh ang tambalang Diego Loyzaga at Cristine Reyes. Huling napanood sa isang regular tv show si Diego sa Los Bastardos three years ago habang si Cristine Reyes naman ay napanood natin bilang kontrabida sa ‘Nang Ngumiti ang Langit’.
Mula sa TV5, Sari Sari Channel and Viva Entertainment, kasama rin sa ‘Encounter’ sina Kean Cipriano, Robert Seña, Maricel Morales, Yayo Aguila, Louise delos Reyes, Gardo Versoza at Isay Alvarez.
One episode per week ang set-up para sa Encounter para masiguradong pulido ang mga ipapalabas na eksena. Make it a Saturday habit starting today at 9PM sa TV5. Mapapanood din ito tuwing Linggo ng gabi at 9 on Sari Sari Cignal TV Channel 3 and SatLite Channel 30. Sa mga netizens, pwede ito mapanood ng live at on-demand via Cignal Play App.