IN LESS than two years sa industriya, masasabing isa si Enrique Gil sa very in demand na young celebrity sa ngayon. At thankful daw siya sa mga nagtiwala sa kanya at lalo na sa mga teenagers na nagpapakita ng paghanga sa kanyang talent. Dagdag pa ng 20-year old actor, “Masaya po, kasi siguro, uhm… wala lang, trabaho lang talaga. Tsaka siguro kung ano ka, ipakita mo, huwag kang matakot, kasi ako kung sino ako ipapakita ko. Para may maipakita kang kakaiba, parang ganu’n, siguro ganu’n.”
Hindi naman ipinagkaila ni Enrique na malaking bahagi ng kanyang kasikatan ay dahil sa matagumpay nilang soap sa ABS-CBN na Princess and I. Ito nga rin daw ang dahilan kung bakit na-ging household name na din ang kanyang pa-ngalan.
Wika niya, “Yes, oo naman po, si Tita Malou Santos, nag-send ako ng picture sa kanya na may nakasulat na, sabi ko, ‘Thank you so much Tita Malou for making me sa Princess and I’ and natuwa naman siya, pinost niya sa Instagram, so thank you, thank you.”
Kinumusta na rin namin sa kanya ang tungkol sa gagawin niyang bagong indie film. “Ah, pinag-uusapan pa kung gagawin ko nga ‘yung indie film, kasi horror siya. Nakapag-horror na ako ng tatlo, so medyo ‘di pa sigurado.
“For sure, most likely, gagawin ko baka next month or in two months, mauumpisahan na. Tsaka ‘yung bago ko pang teleserye sa April, hindi pa masyadong final, kaya ‘di pa ako makapagbibigay ng details.”
Natawa naman si Enrique nang matanong tungkol sa lovelife. “Kasi noong Valentine’s, nasa Naga ako may trabaho, kasama ko ‘yung mga fans ko, okay lang naman siguro ‘yun. Sabi ko, siguro next year meron na akong ka-Valentine’s.”
Magtu-twenty one years old na si Enrique sa darating na March 30, at ang wish lang daw niya ay masiyahan ang mga tao sa kanyang mga pagganap.
“Sana masayang-masayang ang mga tao sa mga ginagawa ko. ‘Pag masaya sila, masaya ang management, masaya na rin ako.”
MASASABI NAMING super tutok sa kanilang trabaho ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pamumuno ni Atty. Toto Villareal dahil sa kanilang kampanyang ‘Matalinong Panonood’. Last month, ipinatawag nila ang pamunuan ng Party Pilipinas ng GMA-7 dahil sa ‘maselang’ production number nina Rocco Nacino at Lovi Poe sa show. At kahapon nga, March 10, after ng live show nila, nagkaroon na sila ng gender sensitivity seminar sa loob ng kanilang studio.
Nitong nakaraang linggo naman, ang pamunuan naman ng ASAP 18 ng ABS-CBN ang kanilang ipinatawag para sumailalim sa ‘gender sensitivity’ conference dahil sa ‘provocative’ production number ni Anne Curtis, kung saan naligo ito sa stage during her birthday production number habang suot ang damit na lagpas beywang ang slit.
Sa Miyerkules, March 13, ang makakaharap naman ng MTRCB ay ang pamunuan ng TV5 at Wowowillie tungkol naman sa ‘gender sensitivity at decorum’ conference ang pag-uusapan.
Sa tweet ng MTRCB via @MTRCBgov kahapon March 7, sinabi nitong binigyan nila ng summon ang TV5 para sumailalim sa gender-sensitivity and decorum. Ayon pa sa tweet, “MTRCB summons ABC5 for gender-sensitivity and decorum inquiry over Wowowillie.”
Sa text sa amin ni Chairman Toto, ang February 28 episode ng show kung saan kinastigo ni Willie on air sina Ethel Booba at Ate Gay dahil diumano ay sinigawan siya nito sa backstage ng hindi manalo ang dalawa sa best in costume. Ani Chairman, ‘Feb. 28 episode, plus over-all decorum and depiction of women in the show.”
Sa text naman sa amin ni Sir Jay Montelibano, Business Unit Head ng Wowowillie, sinabi nitong, “We are governed by the guidelines of MTRCB and we have to adhere to the policies of what the panel or body seem fit. The intent of MTRCB is for our viewers to enjoy and be entertained without compromising the values and morals we show on air. Hence, we too, take to it seriously.”
Sa maging maayos ang usapan at makagawa pa ng mga alituntunin ang dalawang panig para sa kapakanan ng mga manunood. ‘Yun na!
Sure na ‘to
By Arniel Serato