PALIBHASA PINANGARAP ni Enrique Gil maging isang sikat na artista kaya’t unti-unti na niyang naabot ang kanyang mga pangarap sa sariling pagsisikap at deterninasyon. Kinakitaan ng galing sa pag-arte sa teleserye nila nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng Kapamilya network na kinagiliwan ng manonood.
Bukod sa pag-arte, makalaglag-panty kung magsayaw itong si Enrique sa dance floor. Blockbuster ang first solo concert niya sa Araneta. Ibang klaseng sing and dance ang ipinakita niyang performance sa publiko. Napaka-energetic niya on stage, hataw to the max, parang hindi napapagod. Ini-enjoy naman kasi ng binata ang ginagawa niya. Walang kaere-ere sa katawan, napaka-simple at madaling i-approach kahit nagle-level-up na siya sa kasikatan ni Daniel. Hindi mo kakikitaan ng kayabangan sa katawan.
Sa pagiging malapit nina Enrique at Julia sa bago nilang teleserye sa Dos, may possibility kayang ma-develop ang kanilang friendship. “Hindi ko masabi, ewan ko, mahirap magsalita. Hindi naman maiiwasang i-link ako kay Julia dahil leadingman niya ako sa show. Normal lang ‘yun, kapag may TVshow or movie kang ginagawa, hindi maiiwasang iugnay ka sa kanila. Ganu’n naman palagi, okay lang sa akin ‘yun.”
May ilang artista babae na rin ang iniugnay kay Enrique pero walang reaction na nakuha sa binata. Ibig kayang sabihin, may special someone na siya kaya tahimik lang ito kapag napag-uusapan ang tungkol sa relationship? “Wala pa, hindi ko pa nakikita ‘yung special girl na magpapatibok ng puso ko. Hindi kailangan hanapin ‘yun. Kung darating siya, mangyayari ‘yun. Kapag nakita ko siya, may kakaibang feeling kang mararamdaman, ‘yun na. As of now, ini-enjoy ko ang career ko at hindi priority sa akin ang lovelife. Saka na ‘yan, sa trabaho ang focus ko right now.”
As an actor, hindi showbiz kung sumagot si Enrique. Napaka-straight foward, walang paliguy-ligoy. If ever makikipag-relasyon si Enrique, mas gugustuhin kaya niyang taga-showbiz ang maging girlfriend nito? “Kahit sino basta mahal ko, showbiz, non-showbiz, okay lang sa akin. Ang importante mahal ninyo ang isa’t isa at magkasundo kayo sa maraming bagay. Kailangan nandu’n ‘yung trust and respect sa inyong relationship. Naiintindihan niya ‘yung propesyon ko bilang artista. Right now, wala talaga.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield