KAHIT MARAMING babae ang nagkakandarapa kay Enrique Gil, deadma lang ang binata because of his busy schedule. Wala siyang panahon sa pakikipag-relasyon. He doesn’t have time to go on dates dahil sa sobrang busy nito.
Ayon kay Enrique, if ever na may magustuhan siyang babae, kailangan daw makilala muna niya ito nang lubusan. Nang sa ganu’n, sigurado siya sa feeling niya sa babaeng type niyang ligawan. Ayaw niyang pabigla-biglang relationship. Kailangan daw slowly but surely. Kung makikipag-relasyon din lang ang binata, gusto niya, long-term relationship. ‘Yun daw ang mahirap hanapin. Sa ngayon, hindi binibigyang-pansin ni Enrique ang mga babaeng nagpapahiwatig ng kanilang saloobin sa hunk actor.
Katuwiran ni Enrique, kung darating siya, mangyayari ‘yun, unexpected. Ganu’n naman daw ang love, hindi mo inaasahan bigla na lang siyang darating sa buhay mo na hindi mo namamalayan. Hindi raw kailangang hanapin, take your time, enjoy life with your family and friends.
Nand’yan si Julia Barretto na pilit na inili-link kay Enrique dahil naging leading lady niya ito sa isang teleserye. They’re good friends, walang malisya ang kanilang friendship. Ini-enjoy ng hunk actor ang pagiging makulit ng teen star. Ayaw nina Enrique at Julia na magkaroon sila ng something, baka raw masira ang kanilang working relationship. Click sila sa isa’t isa, para nga raw lalaki si Julia sa kakulitan kaya relax sila pareho kapag eksena na nilang dalawa ang kukunan.
Ang tipo pala ni Enrique ‘yung mala-Anne Curtis ang beauty. Kakaiba ang dating ng singer/actress kung i-describe ng binata. At pinaka-sexy sa lahat ng mga artista in showbusiness. Hanggang tingin at paghanga na lang ang drama ng actor. Sobrang focus kasi ito sa trabaho, maraming mga pangarap na gustong maabot. He have different things to offer, magaling umarte, sumayaw at ngayon nga recording artist na rin siya ng Star Records.
TRUE, WELL deserved box-office hit sa recent mainstream movie ang She’s Dating The Gangster na pinagbibidahan ng dalawang pinakamalaking teen star ng ABS-CBN na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ang nasabing pelikula ay kumita ng 15 million sa first showing nito at pumalo sa takilya ng 100 million sa ika-limang araw na pagtatanghal sa mga sinehan.
Base ang SDTG sa bestselling pop fiction book ni Bianca Bernardino mula sa Summit Media, na nakipag-partner sa Star Cinema para sa film adaptation. Labis ang tuwa ng Summit Media President na si Lisa Gokongwei-Cheng sa big screen interpretation ni Cathy Garcia- Molina.
“I find the movie very well done. Nakakaiyak at nakakakilig. I think, even though the book was not followed to the letter, it was improved… especially because of the two stories/ timelines in the movie,” ayon sa kanya.
Ibinahagi rin ni Gokongwei-Cheng ang kanyang saloobin sa partnership ng Summit Media at Star Cinema, “Having the stories of our writers brought to life, it is very rewarding for us as a publisher. With the quality of storytelling, acting, and production of the film, we are very happy.”
Nang dahil sa success ng pelikula, excited ang Summit Media sa future endeavors nito kasama ang Star Cinema.
“We are looking foward to the continuous partnership. We at Summit media, completely trust Star Cinema to give justice to the books we publish. They are good in filmmaking and storytelling. Summit Media Pop Fiction being the number one Wattpad Publisher and Star Cinema is a good combination.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield