NANG DAHIL sa success ng seryeng Forevermore nina Liza Soberano at Enrique Gil na dinirek ng rom-con queen na si Cathy Garcia-Molina, agad silang binigyan ng pelikula ng Star Cinema. Malaki ang naitulong ng soap sa career nina Liza at Enrique. Totoong sinubaybayan ito ng madlang pipol. Sumikat ang La Pressa sa Baguio City dahil sa show na ito. Naging tourist spot na nga ang lugar nang pasyalan namin. Sari-saring paninda ang makikita mo sa gilid ng La Pressa. May entrance fee pa nga na fifty pesos per head bago ka makapasok sa nasabing lugar.
Maging sa palengke, ikinagulat naming nakapaskil ang La Pressa at pangalan ni Agnes (Liza) sa mga tindahang nagbebenta ng fresh strawberries. Pantawag pansin nga naman sa mga mamimiling sumusubaybay sa Forevermore. Kung kinilig ang manonood sa rom-com serye nina Liza at Quen, mas mai-in love ang mga fans sa first movie nila together, ang Just The Way You Are. Totoong-totoo raw ang mga romantic scene ng dalawa, mararamdaman mong galing sa puso ang mga dialogue ni Enrique kay Liza habang nagpapahiwatig ito ng kanyang nararamdaman sa dalaga.
Inamin ni Quen na may saloobin siya para kay Liza at alam ito ng youngstar. Nagsimula sila as friends at habang tumatagal ang kanilang friendship, tuluyan na ngang na-in love ang binata sa kanyang leading lady. Sa shooting nga ng kanilang pelikula, palaging magkausap ang dalawa. Parang hindi nauubusan ng pagkukuwentuhan. Sa sobrang closeness nina Liza at Quen, marami ang nagsasabing may mutual understanding na sila. Hindi pa raw napapanahon para aminin kung nasaang level na ang kanilang relationship.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield